Ad Code

VP Duterte naglunsad ng Libreng Sakay Program may kasama pang free wifi


Vice President Sara Duterte ipapagamit nalang ang Limang bus na ipinahiram sa Office of the Vice President (OVP) para sa libreng sakay sa publiko.Bukod sa libreng sakay meron na din itong libreng wifi para sa mga pasahero.
“Ang mga bus ay ipinahiram sa atin para magamit ng OVP. Ngunit, mas kapaki-pakinabang ang mga ito kung magagamit ng libre ng ating commuting public,” ayon sa post ni VP Sara sa Facebook.
Saad ni VP Sara "Inday" Duterte sa kanyang facebook page post "Kasama ng Department of Transportation, inilunsad ng Office of the Vice President ang “Peak Hours Augmentation Bus Service (PHABS)- Libreng Sakay” ngayong umaga sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Dag-dag pa nito "Sa ating limang wifi-ready buses para sa OVP Libreng Sakay Program, dalawang bus ang inilaan para sa ating mga kababayan sa Metro Manila, isa sa Davao City, isa sa Cebu, at isa rin sa Bacolod."

"Ang mga bus ay ipinahiram sa atin para magamit ng OVP. Ngunit, mas kapaki-pakinabang ang mga ito kung magagamit ng libre ng ating commuting public." -aniya pa ni VP

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento