Ad Code

Isang Bata, Inulan ng Papuri Dahil sa Pagpapakita ng Determinasyon sa Kanyang Pag-aaral sa Kabila ng Kahirapan at Kahit ang Baon Niya ay “Kamote at Isda” Lamang



Nasa dugo na ng isang Pilipino ang hindi pagsuko sa anumang hirap o hamon ng buhay. Kaya naman kahit nga marami sa ating mga kababayan, ang patuloy paring nakakaranas ng kahirapan, ay makikita naman natin sa kanila na ito’y hindi nila sinusukuan, bagkus ay patuloy na nilalabanan.



Batid natin na marami pa rin sa ating mga kababayan ngayon, ang lugmok sa kahirapan ng buhay, ngunit magkaganoon man ay hindi naman ito nagiging dahilan para sa kanila na sukuan na ang kanilang pangarap sa buhay na kaunlaran.



Samantala, sa kabila nga kahirapan, ay marami naman sa ating mga kababayan ang patuloy na ipinapakita ang kanilang pagsusumikap, upang ang kaunlaran ng buhay ay kanilang makamtam.
Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang nakaka-inspire na kwento ng isang batang estudyante na patuloy pa ring nagsususmikap sa kanyang pag-aaral kahit pa nga ba salat ang kanilang pamumuhay.
Ang kwento ngang ito ay ibinahagi ng isang guro na kinilalang si Almera Maquintura Bagares, na mula sa lalawigan ng Zamboanga Del Sur.



Base sa naging post ng nasabing guro, ang batang estudyante ay nagngangalang Cristine T. Nonan, na mula naman sa Busol, Tigbao, Zamboanga del Sur. Ang buhay ni Cristine, ay malayong malayo sa karamihang buhay ng mga kabataan ngayon, na tinatamasa ang masarap na buhay, at nakakakain ng masasarap na pagkain.



Dahil salat sa pamumuhay ni Cristine, ay hindi niya nararanasan ang buhay na mayroon ang ibang kabataan. Kung ang iba, ay pumapasok sa paaralan na pera ang baon o masasarap na pagkain, ang batang si Cristine, ay nagtitiyaga sa baon niyang kamote,ilang pirasong isda at tuyo.

Ang mga magulang ni Cristine ay parehong magsasaka, kaya naman ang mga tanim na kamote ng kanyang mga magulang ang kanyang binabaon pagpasok sa eskwelahan.



Samantala, kahit nga malinis ang intensyon ng guro, sa ginawa niyang pag-post, ay may ilang mga netizens, ang tila hindi nagustuhan ang ginawang ito ng nasabing guro, dahil ang dating sa kanila, ay tila minamaliit nito ang baong pagkain ng kanyang estudyante.



Ilan nga sa mga naging komento ng mga netizens ay;

“There is nothing wrong with her food. I eat that too when camotes are in season with GG or bangus or bulad, it’s healthier and savory! Let’s not be blinded with commercialism and fast food which we know are not healthy at all.”

“Naranasan ko rin yan bb, pro wg Kang mag alala mas masarap pa yan sa karne… Ang importante sa ngayon malusog kau nde nagkakasakit km inga dati bihira lng kami lalgnaten ubo sipon, dahil sa mga pagkain na puro gulay saging camote behera lang kami nakain ng bigas mais dati pro nafpapasalamat prin kami sa god kaht papaano, may kinakain bb. God bless you bb. Tuloy Mo lang un pag-aaral mo”
“Di makarelate ang mga taong di nakaranas ng sobrang kahirapan! Ganon din ako noon!”



“Nene don’t worry huwag kang malungkot kung ganyan ang pagkain mo, napakswerte mo pa nga dahil syan sa pagkain mo na yan ay magiging malusog ka kesa sa karne, burger at masasarap na pagkain na hindi naman healthy.”

Batid natin na ang Kamote nga ang isa sa mga pagkain na nagsasalba sa pang-araw-araw na pagkain ng ating mga kababayan na nainirahan sa mga kabukiran, ngunit sa kabila ng pagiging salat nila sa masasarap na pagkain, ay tunay naman na ang pagkaing ito, ay mas masustansya pa kaysa sa mga masasarap na pagkain na kinakain ng marami sa atin na nakaluluwag sa buhay.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento