Ad Code

Larawan ng isang Lalaking Naka-Toga sa Sementeryo



Ang graduation o araw ng pagtatapos ay isang parangal na ibinibigay para sa mga estudyanteng maluwalhating nakatapos ng pag-aaral. Ito ang pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng mga taon ng pagsisikap at pagpupunyagi.


Sinasabing ang araw na ito ang simula ng panibagong kabanata nang buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan.



Kadalasan ay inihahandog ng mag-aaral ang kanilang diploma at awards sa kanila-kanilang mga magulang na siyang nagtaguyod upang makapagtapos ang kanilang mga anak.

Ngunit paano kaya kung wala na ang mga magulang na paghahandugan ng tagumpay na ito? Paano kung sa pagtatapos ng isang mag-aaral ay hindi niya na kapiling ang mga mahal sa buhay?






Tulad na lamang ng isang lalaki na talaga namang nagpaantig sa puso at nagpaiyak ng mga netizens nang makita itong dumalaw sa sementeryo na nakasuot ng toga at tila kakadalo lamang ng graduatuon.


Isang Facebook user na nagngangalang, JR Lacap ang nagbahagi ng larawan ng lalaking naka-toga, at bagama't nakatalikod ito sa kanya ay tila ramdam niya ang lungkot at pangungulila nito sa sinuman ang dinalaw doon.




Ayon kay Lacap, naroon sila sa sementeryo upang dalawin ang namayapang mga magulang nang kanyang makita ang isang lalaki na nakasuot ng toga at nakatayo sa harap ng isang puntod.

Hindi man raw niya alam kung sino ang binisita nito roon pero sigurado siya na kung sino man ang namayapa ay espesyal sa mag-aaral dahil ibinahagi ng bata ang araw ng kanyang pagtatapos rito.

Kaya naman kahit hindi niya kilala ay hindi niya raw napigilan na sigawan ng pagbati ang mag-aaral dahil alam niya na sinuman ang nakahimlay sa puntod na iyon ay siguradong proud na proud dito.



Narito ang nakakaiyak na post ni Lacap:

"We visited my Mom and Dad today at the cemetery and saw this young man standing in front of his loved one. I don't know sino binisita nya. But one thing's for sure, special sya sa buhay nya. Kasi gusto nya ipakita na may malaking achievement sya sa buhay nya.


Ramdam ko sya. Daming achievements at blessing ni Lord samin gang ngaun. Kaso wala na sila. Pero i know, proud sila..

Kaya diko napigilan.. kahit di ko sya kilala.

Sinigawan ko sya ng "Congratulations, sir!"




Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento