Kahit na may kapansanan o person with disability (PWD), nakapagtapos pa rin bilang isang cum laude si Grace Anne “Grasya” Villamor Cadosales, 22, mula sa Pangasinan.
Sa murang edad ni Grasya, napagtanto na niyang hindi siya “normal.” Kwento niya, tandang-tanda niya noon na ayaw siyang tanggapin ng isang eskwelahan sa elementarya dahil dapat daw ay sa school for PWDs siya mag-enroll.
Paglipas ng ilang taon ay nakapagtapos na bilang cum laude si Grasya sa kursong Information Technology o I.T. sa Perpetual Help College of Pangasinan.
Apat na taon din siyang scholar sa kolehiyo.Sa isang article ng PEP, naibahagi ang kwento ni Grasya at ang kanyang kalagayan na orthopedic disability na natamo niya nang ipanganak siya sa tulong ng isang midwife.
Ang kondisyon ay impairment sa musculoskeletal system na maaring dulot ng congenital disease o iba pang causes. Nahirapan siyang ilabas noon dahil suhi ang bata.
“Tatlong beses po ako labas-pasok sa tiyan ni Mama. Kuwento po ni Mama wala daw pong doktor that time,” saad ni Grasya.
“Una pong hinila yung right leg ko lang po. Dahil wala po yung isa, ibinalik po nila sa loob. Yung second try po, left leg naman po yung nahila. Wala po yung right leg, kaya ibinalik po ulit. Noong pangatlong try po, dalawang paa na po yung nahila,” dagdag.Nagkaroon ng epekto ito sa pisikal na kalagayan ni Grasya.
Samantala, sa kanyang Facebook post noong June 10 ay inilahad ni Grasya ang kanyang mga pinagdaanan.
“5 yrs old ako ng marealized ko na hindi ako normal tulad ng iba. Never kong tinanong sila mama at papa kung bakit ako naiiba, kung bakit hindi ako normal, bakit sa dami ng tao sa mundo ako pa ang ganito. Alam ko kasing hindi din nila alam ang sagot. So, I ask God "Lord why me?. Bakit ako ganito?" Sagot lang ni God "May purpose ako anak kaya kita ginawang ganyan".
Simula non un ang pinanghawakan kong salita ng Diyos. Un ang mga salitang pinauulit sa utak ko kapag may mga bagay na hindi ko magawa na nagagawa ng ibang normal na bata.
Sa mga panahon na un tanggap ko na kalagayan ko. Kaso hindi pala madali, lalo na sa pag abot ng pangarap ko. 6 yrs old ako nong sinabi ko kay mama na gusto ko mag aral. Nong unang beses akong in-enroll ni mama sa school hindi ako tinanggap kasi daw hindi ako normal at maaring maging pabigat lang ako sa klase. Sa early stage na un ng buhay ko nakita kona na kung ano ba ang totoong kulay ng mundo sa mga tulad kong PWD. Hindi pala lahat tanggap ako.
Ginawa lahat ni mama ang paraan ma-enroll lang ako, tinulugan sya ng isang kong doctor/therapist na ipaglaban karapatan kong makapag aral. And finally tinanggap na din ako sa pangalawang pagkakataon.
Sobrang excited ko noong malaman ko na makakapag-aral na din ako. Akala ko madali na lang maabot ung pangarap kong makapagtapos ng pag aaral,pero hindi parin pala. Akala ko mga exams, project at assignment lang magiging problema ko hindi pala.
May times na may na-encounter akong mga grupo non ng mga magulang na sinasabi nila "bakit pa ako nag aral" "baka maging pabigat lang ako at maaprktuhan ang klase". May mga bata din noon na pinag tatawanan kalagayan ko.
Sa mga panahon na un sinabi ko sa sarili ko na "ok lang, may purpose si Lord kung bakit ako napili nya". Ilang taon na un ang pinanghawakan ko hanggang sa napagod na ako at napatanong ulit kay Lord na "Lord kung may purpose ka ano un?". Wala akong natanggap na sagot mula sakanya.
Tumungtong ako ng highschool na mas maayos ang environment. Nagkaroon ng mga gurong maunawain at mababait. Nakahanap ng mga kaibigan na nandyan lagi para suportahan ako.
Sa mga panahon na din un na narealize kona baka ang purpose ko ay bigyan ng inspiration ang iba.
Pagka graduate ko ng highschool akala ko hindi na ako makapag aaral ng college dahil sa pangalawang pagkakataon dinis-courage nanaman ako ng school.
Pero sabi nga nila pag may nagsarang ibang pinto, may panibagong pinto ang mag bubukas. Binigyan ako ng Perpetual Help College of Pangasinan ng pagkakataon na matupad mga pangarap ko.
Sa mga taong mas palapit ako ng palapit sa pangarap kong makapag tapos mas nag struggle ako mentally. Hindi lang dahil sa pag aaral kundi dahil parin sa kalagayan ko.
Iniisip ko na ito ba talaga ang purpose ni Lord para sakin. Ang maging inspiration ng iba. May mga negative na pumasok sa isip ko na "Kailangan mong pagdaanan lahat ng criticism para lang maging inspiration ng iba" "kailangan mong maghirap at pahirapan ang mga tao sa paligid mo maging inspiration lang ng iba".
I feel lost sa mga panahon na un.
I feel worthless.
But thank God kasi binigay nya ako sa mga taong magpaparamdam sakin na I'm loved and valued. And then God showed me my real purpose in life. Na ginawa nya ako para ipakita ang walang hanggan nyang pagmamahal kahit na ano pa ako. Na ang purpose ko is mahalin sya pabalik at mahalin din ang mga bagay na ginawa nya sa mundo.
Ipakita na kahit ano at sino pa ka pa may isang Diyos na handang mahalin at tanggapin ka.
I'm Grace Anne Cadosales.
Bachelor of Science in Information Technology Cumlaude.”
0 Mga Komento