Isang bagong silang na sanggol ang umano'y inatake ng dalawang aswang na pumasok sa isang bahay sa El Salvador, Misamis Oriental. Pero may ibang hinala ang barangay health workers sa kung ano ang posibleng nangyari sa bata. Pasado hating gabi nang mangyari ang insidente sa Barangay Kalabaylabay noong Martes ng gabi.
Kuwento ng ina ng nasawing sanggol na lalaki, nanggaling sa bubungan ang dalawang aswang at pumasok sa kanilang bahay.
Wala na raw nagawa ang ginang--na isang pipi at bingi--nang atakihin na umano ng mga aswang ang kaniyang anak dahil sumakit ang kaniyang tiyan.
Humingi naman daw ng tulong ang ginang sa kaniyang mga kapitbahay pero wala na ang aswang at patay na ang sanggol.
Nagtamo ng pasa sa gilid ng katawan ang sanggol, at namula ang pisngi at leeg nito. Ayon sa kapitbahay ng mag-ina na si Jessiemar Moncado, wala siyang nakitang aswang pero may narinig daw silang malakas na kalabog mula sa bahay ng biktima.
Wala rin sa bahay ang padre de pamilya ng mag-ina dahil nasa trabaho ito. Nang malaman ng mga taga-health center ang barangay ang nangyari, nagtungo sila sa bahay ng biktima at sinuri ang labi ng sanggol.
Ayon kay Marjorie Pasicaran, registered midwife, posibleng may infection o na-suffocate ang bata at hindi napansin ng ina dahil sa kapansanan nito.
Sa kabila nito, patuloy ang pag-iingat ng pamunuan ng barangay para na rin sa seguridad ng mga tao, lalo na ang mga bata
"Alam nyo totoo po talaga yung aswang naalala ko yung mama ko nung buntis sya sa bunso namin yung aswang gustong pumasok sa bintana namin tapos ginigising kami ni mama hindi daw po kami magising ... buti na lang matapang si mama kada lapit ng aswang sa bintana sinasabuyan nya ng asin at bawang tapos tumagal daw ng 2 hours bago tuluyang umalis yung aswang tapos nag tataka daw si mama kase kahit daw anong gising naming magkakapatid di daw kami magisingKaya nakakaloka talaga mga aswang" -Nerizen
0 Mga Komento