Ad Code

Talagang napaka lulupit ng mga tao



Ito ang reaksyon ng netizen na si Zenovia sa Facebook nang ibahagi nito ang isang post tampok ang dalawang stray dogs na nakita nito sa tabi ng daan noong bagong taon.

 

"Dumating po ako doon ganun na sitwasyun nila. Feeling ko nga mama dog niya yun. Nasugat na nga kakagat niya yung mukha nang mama dog kakagising niya at mga mata nung aso mababasa mung naiiyak siya talaga. Na guilty po ako wala akong magawa para save yung dog at tulungan siya," kwento ni Zenovia sa PSND.

Ayon kay Zenovia, halata umano na ang aso ay nasagasaan."Jan 1 kasi ngyari yun daming mga nakainum at lasing ..marami din paputuk marami asong nagtatakbuhan," saad nito.Ayon pa sa kanya, itinabi daw ng isang estranghero ang dalawang aso.



"Sana ang pag drive po dahan dahan lang, my feeling at pamilya din sila. Ang tagal niyang pilit ginigising yung aso kasama niya babae nanay ata niya sakit sakit sa puso makita naiiyak siya," payo naman ni Zenovia sa mga netizens.
(Zenovia/Facebook)


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento