Marahil marami sa mga kabataan ngayon ang naglalaro sa kani-kanilang mga gadgets at komportable sa buhay. Ngunit may mga bata din na kabaligtaran ang buhay.
Sa murang edad ay natuto na si Alaiza, 5-anyos, na gumawa ng mga gawaing bahay. Katuwang si Alaiza ng kanyang lolang bulag. nagsisilbing mata si Alaiza ng kanyang Lola Eliza.
“Mahigit tatlong dekada na akong hindi nakikita. Ang nagsisilbi kong mata ngayon, ‘yung apo ko, si Alaiza. Kapag pupunta ako sa niyugan, humahawak ako sa balikat niya. Siya ang nagsasabi kung saan kami dapat dumadaan. Sinasabi niya kapag mabato o kaya kung may lubak-lubak. Kapag may tao, siya nagsasabi kung sino ‘yun. Kapag may nahihirapan akong abutin, siya na gumagawa. ‘Yung ibang mga gawaing bahay, siya na rin ang gumagawa.
Siya nagluluto, naghuhugas ng pinggan, nagwawalis. ‘Yung mga labada, siya naghihiwalay ng puti sa mga decolor. Nakakaawa. Ako kasi ito ‘yung matanda, pero siya pa ang nag-aalaga sa akin dahil may kapansanan ako,” pagbahagi ni Lola Eliza sa programang kapus0 Mo, Jessica Soho.
“Bulag po si Lola. Walang mag-aasikaso sa kanya kaya ako na lang po. Ako po naghahanap ng mga gulay, nagwawalis, nagliligpit ng mga gamit at nagluluto para kay Lola. Love ko po kasi talaga siya!” ani ni Alaiza.
0 Mga Komento