Ad Code

Malnourished Na Lechon Inireklamo

 

Nagreklamo ang isang customer sa isang litsunan sa Bacolod. Ipinost ni Deserie Tuason sa kanyang Facebook account ang kanyang reklamo sa Mendoza Lechon House sa Bacolod. Kung saan umorder ito ng panghandang pagkain.


Ngunit hindi nasiyahan si Deserie sa dumating niyang order na lechon baboy, nagkakahalaga  pa naman ito ng P5,999. Masyado raw itong payat halos wala ng laman at maliit pa.


Ayon pa sa kanya ay inorder niya ang letson para sana sa araw ng September 24, ngunit September 22 pa lamang ay nag chat na ang letchon house na pwede na itong pick up-in.


Narito ang mismong post ni Deserie Tuason.

“Ang 5999 m nga lechon amu lng ni.. sng 24 m nga order gin msg ka sng 22 nga ready to pick up na Ang lechon tapos pag ka 22 gin init lng nla gale Ang lechon kg amu gin hatag pag ka 24!! Tapos amu nlng na Ang unod tapos hmblan ka nga Wala tambok Ang baboy! Edi wow! Bag o lng q bati nga Ang baboy gle Wala gd tambok ahaha Isa ka lechonan dri sa sum ag ni gle ah. Hatag sa imo batok pa gin kiskisan lng.. Anu ga lechon cla Wala nla gna bantayan?!

Ininit na lamang nila ito para sa handaan ng September 24, laking gulat niya na payat pala ito at halos walang taba at laman.

Ngunit umapela naman ang may ari ng Mendoza Lechon House, na si Linda Mendoza  , giit niya na hindi sila nangloloko ng kanilang customer.

Normal lamang daw na manipis at walang taba ang lechon dahil ”bisayang lechon” ang order nito. Ito ay isa sa kanilang food package na mayroong kasamang valenciana  at spaghetti


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento