Ad Code

Kilalang komedyante at dating basketball player na Jimmy Santos, sinubukan ang buhay bilang Aeta at maging mag-uuling

 

Batikang komedyante at dating basketball player na si Jimmy Santos sa edad na 70-anyos ay kayang kaya pa makipagsabayan sa kulitan. Kung ating matatandaan si Jimmy Santos bago pa man pumalaot sa pagiging artista ay naging basketball player muna ito sa PBA o Philippine Basketball Association. Sa panahon nito bilang basketball player ay nakitaan na ito ng potensyal bilang magaling na komedyante, marahil sa pagiging makulet at palabiro nito sa gitna ng court.

Kalaunan nga ay pinasok na nito ang pag-aartista at naging matagumpay sa pagpapatawa kung saan kinilala rin itong magaling na komedyante. Nagbida sa iba’t ibang pelikula at nakasama ng ilang magagaling na aktor bilang sidekick. Minsan din nagkaroon ng mga lead role tulad ng bonjing kung saan naging epektibo ang kanyang pagganap at naging tatak niya ito sa mga manonood.

Naging regular din siya sa longest noontime show sa ating bansa, ang Eat Bulaga. Sa ngayon bihira na itong makikita sa harap ng kamera ngunit aktibo pa rin sa mga social media tulad ngayon pinasok na rin nito ang vlogging. May sarili na itong Youtube channel na may halos kalahating milyong subscribers.

Sa isa sa kanyang mga vlogs ipinakita nito kung ano ang buhay ng isang mag-uuling at sinubukan rin niya ito. Sa lugar ng Sapang Bato, Angeles City Pampanga. Sinadya mismo ni Jimmy ang lugar kung saan maipakita ang kagandahan nito at ang buhay ng ilang kababayan nating Aeta. Base sa makikita sa kwento kung paano ginagawa ito ay mga pinagkumpol na tabas ng sanga na siyang nililiyaban ng ilang araw pagkatapos.

Nasa tatlo hanggang limang araw makikita na pede na itong isako at dahil sa bayan upang ibenta, Sambit pa ni Jimmy halos araw araw daw itong ginagawa ng mga Aeta dahil na rin sa mga suki nilang gumagawa ng lechon. Nang matapos ang ilang nagawang uling sinubukan itong buhatin ni Mang Jimmy kasama ang ilang Aeta patungo sa bayan, Kitang kita ang liksi pa ng pangangatawan ni Mang Jimmy.

Sa pagtatapos ng video naghandog pa ito ng ilang nakakaaliw na linya ng pagpapatawa at mga paboritong awitin nagpakilala sa kanya. Sa kabilang banda nakitaan naman ng ngiti ang ilan nating kababayan. Sa ngayon ang video ni Mang Jimmy ay umabot na ng million views.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento