Ad Code

Batang ulila at inabandona ng kanyang magulang, Sa piling ng aso nakahanap ng tunay na pagkalinga at pagmamahal

 

Sa ating mundong ginagalawan marahil, sa iilan ay napakapait nito at may kalupitan dinadanas sa buhay. Ngunit hindi naman ito palaging ganito kung mahirap man ang nararanasan ngayon patuloy lamang magpakatatag at balang araw makakamit din natin ang kaginhawaan sa buhay.



Tulad na lamang ng minsan nagviral na kwento ng isang batang ulila at palaboy sa kalye na si Rommel Quemenales. Ang istorya niya ay nagbigay kirot sa puso para sa iilan nating kababayan. Namataan siya noon ng isang nagngangalang Maria Kabs na siyang naantig sa kalagayan ng 11 anyos na batang si Rommel.



Ayon dito si Rommel ay ulilang lubos, bata pa lamang ito ay hindi na niya nakagisnan lumaki na may kasamang magulang dahil nga ang mga ito ay maagang naghiwalay at si Rommel ay nagumpisang magpalaboy laboy. Sa kabilang banda nagsumikap ang batang si Rommel na mairaos ang kanyang pang-araw araw na buhay.



Naging tahanan nito ang bangketa at ang pamamalimos ang naging daan niya upang magkarron ng ilalaman sa kanyang tiyan. Hanggang sa matagpuan niya ang asong kalye na kanyang binansagang Badgi, palaboy na aso at tila naghahanap din ng makakasama sa lansangan. Simula noon naging malapit ang dalawa at dito nakita ni Rommel ang pagmamahal na kanyang hinahanap at inaasam. 




Sa paglipas ng panahon naging katuwang ni Rommel si Badgi sa kanilang araw-araw na pamumuhay at naging magkaibigan lubos, Sa tuwing makakadiskarte ng pagkain si Rommel ay ibinabahagi nito sa kanyang aso ang kalahati, maging sa kanilang pagtulog makikitaan mo ng pagiging close ang dalawa.



Sa kwento ni Rommel hindi na siya nakapag-aaral dahil sa hirap na rin ng buhay ngunit kung bibigyan siya ng pagkakataon nais niyang makabalik at makatapos ng pag-aaral. Hindi man pinalad magkaroon ng maayos na buhay, sinisikap pa rin ni Rommel na balang araw magiging maayos din ang lahat katuwang ang kanyang alagang si Badgi.



Si Badgi ang nagpapaalala sa kanyang kapatid na bunso na nawala noong musmos pa ito, kaya naman kay Badgi niya nakita ang kalinga at pagkakaroon ng kapatid.



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento