Ad Code

Dalaga, inasikaso ang sariling burol bago pumanaw: “I want to die BEAUTIFUL”


Lahat sa atin ay hindi alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito. Walang nakakaalam ng eksaktong araw at oras kung kailan tayo mamamatay.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na may mga taong may sakit ang tinataningan na ang kanilang buhay. Hindi man eksaktong araw at oras ang kanilang sinasabi, nagbibigay naman sila kung gaano na lamang katagal ang buhay ng taong may sakit.


Samantala, isang dalaga ang pinaghandaan ang kanyang sariling burol dahil gusto umano niyang mamatay na maganda.Si Racine Pregunta, 20, ay isang model at maraming plano para sa kanyang kinabukasan.

Taong 2016 nang ibahagi ni Rolyn Pregunta sa kanyang Facebook ang sakit ng kanyang kapatid na si Racine.

Mayroon umanong osteosarcoma si Racine. Isang rare na uri ng cancer na nagsisimula sa ating mga buto.

Upang gumaling si Racine, humihingi ng dugo at pera ang kanyang pamilya upang may magamit sa kanyang pagpapagamot.

Lumipas ang ilang buwan ay wala ng update si Rolyn sa kalagayan ng kanyang kapatid. Hanggang isang araw, sinabi nitong pumanaw na si Racine.


Sa Facebook page na Racine Pregunta II, ikinuwento ni Rolyn kung papaano plinano ng kanyang kapatid ang sarili nitong burol.

Aniya, gusto raw ni Racine na off-shoulder ang dress nito at may headband na puting bulaklak. Kitang kita sa larawan ang nakangiti at magandang mukha ni Racine.


Matapos planuhin ang kanyang burol, pumanaw si Racine noong Abril 17, 2017. Ang kanyang make-up artist noong siya ay nagmomodel ang mismong nag make-up sa kanya.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento