Maliban kay Tagle, kabilang rin sa pinagpipilian ang Hungarian Cardinal na si Péter Erdő, na siya namang arsobispo ng Estergom-Budapest.
Ang naturang ulat ay lumabas matapos kumalat ang espekulasyon kung saan malapit na umanong mag retired si Pope Francis dahil sa iniinda nitong karamdaman.
Matatandaang kabilang si Tagle sa 22 miyembro ng Vatican City’s Congregation for Divine Worship and the Discipline of Sacraments.
Noong 2019 naman ay mas napalapit ang Cardinal sa Santo Papa matapos itong ma-appoint bilang Prefect ng Vatican’s Congregation for the Evangelization of People.
Sakaling mahalal bilang susunod na Santo Papa, si Cardinal Tagle ang kauna-unahang Pilipinong Santo Papa na magiging lider ng Simbahang Katolika sa buong mundo
0 Mga Komento