Ad Code

Pauleen Luna ibinahagi ang masayang pagtatapos ng kanyang anak na si Tali sa Nursery School

Sabi nga nila isa sa mga maipapamana ng mga magulang sa kanilang mga anak na hindi mananakaw nino man ay ang ‘edukasyon’, kaya naman tunay na karamihan sa mga magulang ay ginagawa ang kanilang makakaya at ibinibigay ang kanilang labis na suporta upang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak.
Tunay rin na ang tagumpay ng anak at siyang dobleng tagumpay naman sa kanilang mga magulang. At para naman sa mga magulang ay isang karangalan ang masaksihan ang kanilang mga anak na unti-unting natutupad ang kanilang pangarap.

Samantala, ang Eat Bulaga host na si Pauleen Luna-Sotto, ay isa lamang nga sa mga magulang na labis na ipinagmamalaki ang bawat tagumpay na nakakamit ng kanyang anak na si Tali. Halimbawa na nga lamang nito ay ang pagiging proud mommy niya sa anak dahil sa nakamit nitong pagtatapos sa nursery sa edad nito na apat.
Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ng celebrity mom na si Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ang magandang balita. Noon ngang ika-22 ng Abril, araw ng Biyernes ay makikita ang naging pagbabahagi ni Pauleen ng mga cute na larawan ng anak niyang si Tali, kung saan ito nga ay nakasuot ng white dress habang masayang nakangiti na hawak hawak ang kanyang diploma.
“This little girl graduated nursery today”, ang naging caption ni Pauleen sa kanyang Instagram post.

Matatandaan na buwan ng Oktubre noong nakaraang taon ng unag ibahagi ni Pauleen na ang anak niyang si Tali ay nagsimula na ngang mag-aral bilang isang nursery student.

Dagdag na saad pa nga ni Pauleen sa kanyang Instagram post, hindi niya umano akalain na ngayon nga ay natapos na ng kanyang anak ang nursery at nagawa nga nilang mag-ina na maka-survive sa isang taon na puro online lamang ang klase.
Saad pa niya, excited na rin siya na maranasan ng kanyang anak ang face to face class kung saan ay makakapag-bonding nga ito kasama ang kanyang mga magiging kaklase.

“I can’t believe we survived one whole school year of online class! I cannot wait for the day when she’ll be able to bond with her classmates in person but I am grateful for the time we spent (and fought) during classtime!”, saad pa nga ni Pauleen.

Nagpaabot din si Pauleen ng pagbati para sa kanyang anak, at maging sa mga magulang na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga anak sa pag-aaral ng mga ito.

“Congratulations Tali!!! Congratulations also to all mommies, daddies and yayas whose patiently guided all the children this SY! Now let’s celebrate!”, aniya pa.

Ibinahagi rin ng celebrity mom sa kanyang social media account ang moving up day activity ng kanyang anak na si Tali, kung saan ito nga ay makikita na sumayaw at ang bahagi na tumanggap na ito ng diploma. Maraming mga netizens naman ang nagpaabot ng kanilang ‘congratulatory’ para kay Tali sa bagong achievement at milestone nito.“Congratulations pretty girl”“Wow, Congratulations Tali

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento