Ad Code

Netizens napa wow sa nag-gagandahang larawan ni Melai Cantiveros ngayon

New look ng hinahangaang komedyanteng aktres na si Melai Cantiveros sa mga bagong larawan niya ngayon, kung saan ay makikita nga ang kanyang kagandahang taglay.

Isa si Melai sa mga PBB housemates na pagkatapos maging PBB Big Winner ay tuluyan ngang pinasok ang mundo ng showbiz, at dito na nga nagsimula ang kanyang kasikatan bilang isang celebrity, kung saan hanggang ngayon nga ay tuloy-tuloy ang mga magagandang oportunidad sa kanya.
Sa kasalukuyan nga ay araw-raw nating napapanood si Melai sa programang ‘Magandang Buhay’ ng Kapamilya network, kung saan ay patuloy niya nga tayong pinapabilib sa kanyang angking galing sa pag-host at pagpapatawa sa kanyang mga birada at jokes.


Matatandaan na si Melai ay minahal na noon pa man ng mga netizens sa loob ng Bahay ni Kuya, dahil sa kanyang ipinakitang personalidad, at ito nga ay ang pagiging isa niyang natural na komedyante, na hanggang ngayon naman ay tinataglay pa rin nga niya.
Samantala, nito lamang nakaraan ay naging agaw-pansin sa social media si Melai, ito ay dahil napansin ng mga netizens ang kanyang pagiging ‘blooming look’ ngayon. Nagbahagi kasi ang komedyanteng aktres sa kanyang social media ng kanyang mga larawan kung saan ay talaga namang litaw na litaw ang kanyang kagandahan.
Nagbagi si Melai ng kanyang larawan kung saan ay makikita na siya ay nasa set ng Magandang Buhay, at dito nga ay nakasuot siya ng damit at faceshield.

Agad na napansin ng mga netizens ang blonde hair ni Melai, at marami nga ang talagang bet na bet ito dahil lalo pa nga itong nagpa-fresh look sa comedian actress-host.
Makikita naman sa isa pang post na larawan ng komendyanteng aktres na siya ay nakasuot siya ng maxi dress na gawa sa lace na tinernohan naman niya ng rattan bag at high heels. Dito nga ay nagmukha siyang modelo dahil sa kanyang mala-modelong outfit at awra.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento