Ad Code

Dating Goin; Bulilit Chil Star Miles Ocampo. masayang idinaos ang kanyang ika-25 Birthday

Tunay ngang hindi natin namamalayan ang matuling paglipas ng panahon, dahil karamihan nga sa mga noon ay hinahangaan lamang natin sa kakyutan at kabibohan na mga child star, ngayon nga ay mga ganap ng dalaga at binata ang mga ito.


Mas nakikita na rin natin sa mga child star noon ang mas matagumpay nilang karera ngayon, kung saan ay mas lalo pa din nga silang hinahangaan at sinusuportahan ng kanilang mga fans at maraming mga netizens.
Si Miles Ocampo ay isa lamang sa mga noon ay batang child star na kinagiliwan natin, ngunit ngayon nga ay marami ang nakapansin ng mas lalo pang umusbong na kagandahan niya ng siya ay maging isa ng ganap na dalaga sa edad niyang 25 taong gulang.
Sa mga larawan ngang ibinahagi ni Miles sa kanyang Instagram account ay makikita ang kanyang angking kagandahan ngayon kung saan hindi lamang mga netizens ang pinahanga niya kundi maging ang mga kapwa din niya celebrity sa mundo ng showbiz.
Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan at sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ni Miles kung saan ay muli nga niyang pinatunayan ang mala-glowing look niya na mas lalo pang nagpadepina sa kanyang natatanging kagandahan.
Noon nga lamang ika-1 ng buwan ng Mayo na mismong araw din ng kaarawan ni Miles ay nagbahagi nga siya ng kanyang larawan na siya ay nakasuot ng sleeveless dress na kulay silver habang siya ay gumagawa ng magagandang anggulo at pose na mas lalo pang nagpabighani sa kanya.

Samantala, sa IG story ni Miles ay ibinahagi rin niya ang naging masayang kaganapan sa kanyang ika-25 taong gulang na kaarawan kung saan ay kanyang kasama ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya. Mapapansin na tila isang sorpresang birthday party sa kanyang kaarawan kung saan ay tila nga naging emosyonal pa ang aktres habang hawak-hawak ang kanyang birthday cake.
Marami naman ang nagpaabot ng pagbati para kay Miles, kagaya na lamang ng kanyang dalawang matalik na mga kaibigan na sina Sharlene San Pedro at Ritz Azul.

“Hi beshie, happy happy birthday. I love you and never ever ka magiging abala sa akin. Always here for you”, ang pagbati ni Sharlene kay Miles.

“From tawanan to iyakan, maaasahan at ako’y maaasahan mo. Hahahaha! I am glad na meron akong babysis. Hinding hindi ko makakalimutan yung lagi tayong napapagalitan sa public tungkol sa social distancing bilang ang clingy natin parehas. I miss you, my babysis! Masayang masaya ako for you sa mga blessing na natatanggap mo and sobrang proud ako sayo”, pagbati naman ni Ritz sa kanyang kaibigan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento