Nagtayo si Kara ng isang scholarship program na tinawag niyang Project Malasakit, at gumawa din siya ng ilang Mangyan para maging scholar niya. Kamakailan lamang, isa sa kanyang mga iskolar na nagmula sa isang katutubong tribo sa Mindoro ay naging guro pagkatapos niyang maipasa ang pagsusulit sa lisensya para sa mga guro (LET).
Buong pagmamalaking ibinahagi ni Kara ang mga larawan ng kanyang scholar na si Patrick Reyes at ang pangalan nito na nagmula sa listahan ng mga gurong nakapasa sa LET sa kanyang Instagram post.
Ayon ka Kara, nakilala niya si Patrick noong nasa isang shoot ito para sa isang dokumentaryo tungkol sa Mangyan at ibinahagi sa kanya na mula pa noong bata siya, gusto niyang maging isang guro upang makatulong siya sa kanyang mga kapwa katutubo na hindi rin makapag-aral dahil sa hirap ng buhay.
Sinabi ni Kara, “I met Patrick many years aho when I did a documentary on the indigenous peoples of Mindoro, the Mangyan tribe. Patrick comes from a very poor Mangyan family. He is a hardworking young man who dreams of becoming a teacher to help spread the gift of education to his community.”
Hindi rin nakakalimutang pasalamatan ni Kara ang mga donors ng kanyang programa na hindi nagsasawang tumulong at sumuporta sa kanya sa kanyang scholarship program. “Salamat sa lahat ng donors at higit sa lahat, salamat sa Panginoon sa biyaya ng malasakit.”
Nilikha ni Kara ang Project Malasakit noong taong 2002 upang matulungan ang mga batang gustong makatapos ng pag-aaral ngunit hindi kayang mag-aral dahil sa kahirapan ng buhay. Ang Project Malasakit ay tumatanggap ng mga donasyon na makakatulong sa pag-aaral ng kanilang scholar mula elementarya hanggang kolehiyo.
Noong taong 2006, ang Project Malasakit ay tumutulong sa isang Mangyan na makapagtapos at ito ang unang scholar na nagtapos na si Myra Demillo.
0 Mga Komento