Ad Code

Nakakahabag ang sinapit ng isang Bulag na tindero matapos itong bayaran ng pekeng isang libo ng mga kawatan



Sa panahon ngayon kailangan ng matinding diskarte at lakas ng loob upang mabuhay, kung ayaw mong magutom at maiwan na dilat ang mata kinakailangan mo ng dobleng kayod. Ngunit kung minsan sadyang hindi maiiwasan na may mga taong masama ang intensyon sa kanilang kapwa. Kung sino pang lumalaban ng patas at nakikipagtunggali sa kahirapan sila pa itong ginagawan ng kabulastugan ng ilan nating kababayan.



Tulad na lamang ng nangyari sa isang matandang bulag na tindero sa bangketa sa lugar ng Barangay Basak, Lapu-Lapu City. Ang kinilalang vendor ay si Sabdullah Amantar na kahit na may kaidaran na ito at may problema sa paningin patuloy ang pakikibaka at paglaban ng patas upang mabuhay.



Sa gitna ng kainitan kamakailan sa nasabing lungsod ng Lapu Lapu City, binayaran si tatay ng isang mamimili ng pekeng isang libo ng taong nakamotorsiklo na bumili dito. Ayon sa kwento ng concerned citizen na nagbahagi ng pangyayari, Namili daw ito kay tatay sa halagang P100 piso at nagbayad ng isang libo P1000 agad naman itong sinuklian ng matanda ng halagang P900, ngunit kalaunan napansin ng nasabing citizen na peke ang ibinayad kay tatay kaya naman agad niya itong ipinaalam sa matanda at ibinahagi sa kayang socmed account para maging paalala sa iba.



Ayon sa mismong nakasaksi “naka motor yung bumibili saka napansin ni girl fake yung money yun lng po,” kwento nito. “naka blotter na pero wala pang balita kung nahuli na kasi po hindi naman masyado klaro yung cctv,” dagdag pa niya.



Sa pangyayaring ito agad naman bumuhos ang tulong kay tatay maging ang kanilang Mayor na si Mayor Junard “Ahong” Chan ay nagpahatid na rin ng tulong bukod sa pangako nitong makukulong ang kawatan kung ito ay mahuhuli. Sa ngayon patuloy pa rin ang pagtitinda ni Tatay sa kanyang pwesto.



Sa kabilang banda, ang socmed post ng JnE Famblog ay umabot sa maraming netizens. Sa nasabing larawan may kalakip din itong GCash number ni tatay kaya naman laking gulat ng mga ito sa dami ng nagpadala ng tulong halos umabot sa mahigit 30K ang pera nito. Ganunpaman nagpahatid ng pasasalamat ang anak ni tatay sa mga tumulong dito, ayon pa dito ang ilang bahagi na nalikom na halaga ay itatabi nila sa bangko at ang iba naman ay gagamitin ng mga ito sa pagtitinda ni Tatay.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento