Nakaka-Lungkot Isipin na sa Edad na 7 Years Old ay Nagbebenta na ng Gulay ang Batang Ito Upang Makatulong sa Kaniyang mga Magulang
Kadalasan ang mga bata ay abala sa kanilang pag-aaral at sa paglalaro araw-araw ngunit iba ang inaatupag ng batang bida sa isang kwentong na kamakailan ay nag-trending sa social media.
Si Jhoncent Celicious ay isang pitong taong gulang na bata na nasa Grade 1 sa kanyang paaralan. Ang kaibahan nito sa ibang mga bata na kaedad nito ay imbes na maglaro tuwing hapon pagkatapos ng klase ay nagbebenta siya ng mga gulay na nakalagay na sa supot upang kumita ng kaunting pera.
May isang netizen ang nakakuha ng litrato ng batang ito habang nakasakay sa jeep at may dala-dalang batya na naglalaman ng gulay. Marami ang napahanga sa pagiging masipag at sa determinasyon nito sa kabila ng kanyang edad.
Ayon sa nanay nitong si Susan Yuson, hindi nila ito tinuruan o inutusan na magbenta, basta na lamang nito ginawa iyon isang araw.
Pang-pito is Jhoncent sa kanilang 10 na magkakapatid at isa siya sa mga nakakapasok pa sa paaralan dahil ang mga kapatid niyang mas nakatatanda ay hindi na nakakapasok gawa nang sila ang nag-aasikaso sa bahay at sa mas maliliit nilang kapatid.
Ang ina nito ay may hika at goiter kaya hirap na itong makapagtrabaho dahil sa problema sa paghinga, habang ang ama naman nito ay nawalan ng trabaho bilang isang driver nitong nakaraang taon.
Inamin ng bata na 6 na taong gulang pa lamang ito ay ginagawa na nito ang pagbebenta para makatulong sa kanyang mga magulang at mukhang sa sobrang kagipitan ay nagkusa na ang bata na dumiskarte upang kumita kahit na papaano. Nakatira ang mag-anak sa General Mariano Alvarez sa may Cavite.
Hindi naman napigilan ng mga netizens ang mainis sa mga magulang ni Jhoncent dahil tila naipasa na ang kanilang responsibilidad sa bata.
Isa pang bagay na ikinagalit ng mga tao ay ang katotohanang hindi na nga nila kayang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya ay hindi man lang nagkontrol ang mag-asawa at hinayaang dumami sila nang dumami.
Ngayon ay hindi nakakapag-aral ang ilan at ang katulad ni Jhoncent naman ay napipilitang magbanat agad ng buto para lamang may makain sila pagsapit ng hapunan.
Sa kabila ng lahat ay umulan ng papuri para sa kasipagan at determinasyon ni Jhoncent. Ayon sa mga tao ay tiyak na may mararating ito sa buhay at ang lahat ng paghihirap nito ay magbubunga kalaunan.
0 Mga Komento