Ad Code

Grupo ng mga kalalakihan tulong-tulong sa pag bitbit ng pasente sa higit anim na oras patungong ospital



Sa viral photo, Kung saan sinabi niya na tulong-tulong sila ng kanyang mga ka-barangay sa Sitio Mahayahay, Barangay Gumitan, Davao City sa pagbitbit ng isang pasyente papuntang ospital.Aniya, ganito lagi ang kanilang sitwasyon kada may ka-barangay sila na kailangang dalhin sa ospital. Dahil walang ambulansya sa kanilang komunidad kaya napipilitan silang bitbitin ang pasyente.




Gamit ang kawayan, kumot at dahin ng saging ay naglalakad lang sila patungong ospital upang magamot ang pasyente.Saad pa niya, kailangan pa nilang maglakad ng anim na oras bago makarating sa ospital. Ito lang umano ang tanging paraan upang malunasan ang pasyente.

Sa kabila ng kanikang sakripisyo ay positibo pa rin si Mandi. Hindi umano nila alintana ang init at hirap sa paglalakad dahil nakakatulong naman sila sa kanilang ka-nayon.

“Masaya kami na nakakatulong sa ibang tao kahit yung galing pa sa mas malalayong lugar. Tulong namin sa mga kababayan na walang iniisip na kapalit, basta’t mailigtas lamang ang buhay ng pasyente,” saad ni Mandi.



Kwento pa niya, nangyari na may binawian na rin ng buhay habang bitbit nila. Hindi nila ito maiwasan lalo pa at malayo pa ang kanilang nilalakad bago makarating sa ospital. k
aya naman nanawagan siya sa lokal na pamahalaan namatulungan sila magkaroon ng ambulansiya upang mas madali nilang mahatud ang mga pasyenteng nag-aagaw buhay.

Kahit ang mga netizen ay batid ang hirap na pinagdadaanan nila dahil sa kawalan ng ambulansya sa kanilang lugar. Kung mayroon lang daw sanang emergency response ay mas madaling malulunasan ang pasyente.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento