Ad Code

Ibinebenta Online; Panahog daw sa Pares at Shawarma ,Karne ng Aso At Pusa



Kamakailan ay nag trending ang post ng isang netizen sa isang group, na nagtitinda siya ng k@rne ng aso at pusa para sa paresan at pang shawarma.




Isang account na nag ngangalang Markus Adrian ang nagpost ng tinitinda niya diumanong mga karne ng hayop na pang pares at shawarma sa halagang 80 pesos ang kilo. 



“Available Napo cat/dog litid natin.. Pang pares Mami shawarma.. 80pesos per kilo. We accept gcash or cod Deliver lalamove..”




Kabi kabila naman ang reaksyon ng mga netizen sa nasabing post. Marami ang nagalit at isumpa ang lalaki, dahil ang nga ganitong uri ng hayop ay hindi dapat kinakata@y at kinakain, bagkus inaalagaan at itinuturing na pamilya.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing post.
”Pls.po agapan nyo ito sa mga taga region 3 po,maging listo po sana kayo s pagmamatyag wag na sana sila katay!n” 



”Grabe sana mahuli nga yan. Pls kng may alam kau makipagtulungan po kau mahuli sila.”

”Kaya nakakatakot kumain sa labas ng mga karne na may sarsa kasi di mo sigurado kung karne ba ng baboy talaga o aso pala.” 



Ang mismong post ni Markus Adrian ay nawala na, kasalukuyan na rin siyang tinatrack ng mga concerned cetizen upang alamin ang katotohanan sa kanyang post, at mapanagot ito kung totoo man.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento