Ad Code

Groom pumanaw isang araw matapos ikasal




Trending ngayon sa social media ang post ng bride na si Aj Jallorina, matapos niyang ibahagi ang hindi inaasahang pangyayari sa kanyang asawa matapos ang kanilang kasal.




Sa Facebook post ni Aj, sinabi nitong ikinasal sila ng mister na si James Steven Chong noong Disyembre 15, ngunit namatay ito kinabukasan, Disyembre 16.


“From marriage certificate to death certificate,” panimula ni Aj sa kanyang Facebook post.


“From congratulations to condolences.”




“Mahal ko, thank you for making me the happiest bride. Sabi mo nga di mo ako nasusurprise kasi lagi kong nakukutuban. mahal ko, hindi ko to nakutuban. Hindi ako makapaniwala. Napakasaya natin. Saksi ang Ama at ang lahat.”







“Napakasakit na pumipirma tayo sa Marriage Certificate natin Dec 15 tapos Dec 16 death certificate mo na pinipirmahan ko. Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo.”

“Mahal, Salamat sa sampung taon na pagmamahal.”


“Mahal na mahal kita.”







Wala namang nabanggit na dahilan si AJ kung ano ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mister.



Bumaha rin ang pakikiramay mula sa mga kapamilya, kaibigan at kakilala nina Aj at James, at maging sa netizens na ramdam na ramdam ang dalamhati ng sobrang agang nabiyudang bride.




Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento