Ad Code

Binatang online seller, hindi lamang mga damit ang patok sa mga mamimili pero pati ang kanyang mga banat



Sa napaka-intense at fierce na competition ngayon sa pagitan ng online sellers, hindi na talaga basta-bastang gumagana ang simpleng pagbebenta dahil kinakailangan na ngayon ng kakaiba at pambihirang strategy para maka-attract ng customers katulad na lamang ng isang binatang online seller na sobrang bet lang naman ng karamihan dahil hindi lamang siya mahusay sa salestalk dahil pati mga banat niya, bentang-benta rin!




Kasalukuyan ngayong pinagkakaguluhan ng karamihan lalong-lalo na ng mga kababaihan ang 28 taong gulang na binata sa Sampaloc, Manila na si Vervyx Laron dahil maliban sa pagiging mahusay niya sa salestalk ay sinasabayan niya rin ang kakulitan ng libo-libo niyang viewers sa tuwing nagla-live selling.



Sa recent na episode ng KMJS, nakapanayam nila si Vrix kung saan ay ibinahagi niya kung paano siya nagsimula sa pagiging isang online seller.



Pagkukuwento ni Vrix, graduate umano siya sa kursong Tourism at naging OFW sa Dubai at sa pagbalik niya sa Pinas, binigyan umano siya ng kanyang kaibigan ng mga damit na sinubukan niyang ibenta online pero hindi naman niya kailanman inakalang magso-sold out ang lahat kaya naisipan niyang ipagpatuloy na lamang ang ginagawa.



“Nag-start po akong mag-online selling ‘nung 2021. Binigyan ako ‘nung kaibigan ko ng 15 pieces na damit tapos binenta ko siya. Siguro mga 10 minutes, naubos ko na siya hanggang sa ginawa ko na siyang sideline,” aniya.



Unlike sa ibang online sellers, hindi lamang simpleng salestalk ang ginagawa ni Vrix upang mahikayat ang lahat na bilhin ang ibinebenta niyang mga damit dahil idinadaan niya rin ito sa kanyang havey na punchlines at pangmalakasang mga banat kaya kahit abutin man ng madaling araw ang kanyang live selling ay talagang pinagpupuyatan siya ng kanyang mga suki pero maliban nito, hindi rin maipagkakaila na dagdag points din ang kanyang pagiging gwapo at charismatic.



“Karamihan naman ng mga online seller talaga diyan, may itsura. Nagkataon lang din talaga siguro na natuwa sila ‘dun sa kung paano ako sumagot,” sabi ni Vrix.

Sobrang invested sa kanyang punchlines, talagang hinahanda na niya ang props at mga gamit na maaaring hanapin ng kanyang viewers katulad na lamang ng doorknob, kawali, martilyo, thermos, lapida, hollowblocks at marami pang iba.

“Minsan pati Math problem. Jusko pati square root, tinatanong sa’kin. Minsan lahat po ng gulay sa buhay-kubo, nahanap na ata sa akin,” natatawang sabi niya.



Dahil sa kanyang pambihira at kakaibang strategy plus ng kanyang looks at charisma, sino nga ba naman ang hindi mapapa-mine sa bawat benta ni Vrix?

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento