Ad Code

Plantita, lumabo ang mata matapos matalsikan ng dagta ng halamang ito




Sa ating makabagong panahon, hindi na lang daw ilang hayop ang may kamandag ngunit pati na din daw ang ilan nating alagang halaman.




Ito ang nakalulungkot na kwento ng isang certified plantita since 2019 na si Jelay Lapornina matapos manlabo ang kanyang mata dahil sa dagta ng kanyang halaman.

Bago pa man daw mag-umpisa ang pandemya ay nahilig na umano siya sa pag-aalaga ng mga ito. Ngunit nitong nagdaang Hunyo, hindi niya inasahan ang dinulot ng kanyang alagang Dumb Cane.





"Binuhat ko po tapos pinutulan ko ng mga dahon na mga sira. Tapos, ci-nut ko ng gunting. Tapos 'yung isang stem kasi sira na, kaya inano ko ng itak. Tapos pagkatapos no'n, binuhat ko, iniba ko ng posisyon ang bulaklak. Pagkatapos, may tumalsik sa mata ko. Pagkatalsik niya, mahapdi na."



At matapos ang pangyayaring iyon ay unti-unti ng nanlabo ang kanyang paningin.

"Binalewala ko lang. Tapos, mayroon pa nga sa bibig ko, dinilaan ko pa nga. Tapos ang kati ng feeling ko no'n, hindi ko na maidilat (ang mata). Pagkahiga ko, ang lalamunan ko, natuyo na. Pagkatayo ko, hindi na ako makatayo. Nahihilo na ako," dagdag pa niya.

Ayon sa isang botanist, ang Dumb Cane ay isang uri ng halaman na may toxin sa dahon at sa stem. Nakalalason ang dagta nito kaya dapay ay huwag itong hayaang pumasok sa bibig o sa mata.



"Primary component niyan ay iyong 'saponin' na kapag minix mo sa tubig ay bumubula. Para siyang sabon. Kaya siya saponin. Usually toxic yan...taken in it's pure form, toxic," ani ng botanist na si Wally Suarez sa isang interview sa GMA7.

Meron din itong oxalates na nakapagdudulot ng pamamaga ng dila sakaling makain ng tao at maari din itong magdulot ng pagsusuka. Bagama't may toxins, hindi naman delikado ang mag-alaga nito.



"Marami sa mga houseplants natin, actually, may poison. So kung, if they're just sitting in a corner, 'di mo naman kakainin yan or hindi po ipapahid sa balat mo or sa sugat mo, or accidentally ilalagay sa mukha, hindi siya delikado," bigay diin ng botanist.

Ayon naman sa isang opthalmologist na si Dr. Darby Cabuyao, kapag natalsikan ang mata ng dagta ng halaman, ito naman ang dapat na gawin:



"Hindi na dapat sabunin kaagad 'yung mga dagta na tumalsik sa mata. Mainam din na hugasan ang mata ng malinis na tubig at siyempre, pumunta agad sa opthalmologist para maresetahan ng tamang gamot."



Sa kasalukuyan, malabo pa din ang mata ni Jelay at tuloy pa din siya sa paggagamot ng ipinapatak sa kanyang mata.

Kaya naman paalala ng eksperto, dapat alam mo din ang iba pang itinuturing na houseplants na bagama't may toxins, dapat ay hindi delikado alagaan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento