Tunay na kasiyahan at tagumpay ng isang magulang ang makitang makapagtapos sa kolehiyo ang kanyang anak, kaya naman para sa Pinay Nanny na si Jojit de Leon ay doble ang nadarama niyang kasiyahan, dahil hindi lamang gradute na ng kolehiyo ang anak niyang si Maria, kundi ito ay nagtapos pa sa isang magandang Unibersidad sa Amerika.
Para kay Jojit ay daig pa niya ang naka-jackpot sa lotto dahil sa pagtatapos ng anak niyang si Maria sa kolehiyo, lalo pa’t ito ay naggtapos sa Harvard University sa Massachusetts, U.S.A.
Itinuturing bilang isa sa mga prestihiyosong Unibersidad sa buong mundo ang Harvard University, at tunay na marami ang nangangarap na makapag-aral dito.
Ayon sa nagig ulat, si Maria ay nagtapos sa Harvard University noong taong 2020, sa kursong Bachelor of Arts in Molecular and Cellular Biology. Siya ay full scholar sa nasabing unibersidad, kaya naman talagang malaking tulong ito para sa ina niyang si Jojit na nagtatrabaho bilang isang nanny sa Amerika na tinutustusan din ang edukasyon ng tatlo niyang anak.
Taong 2020 pa nga ng magtapos si Maria, ngunit dahil sa pandemya na sumiklab ng nasabing taon, ay ngayon lamang siya nabigyan ng pagkakataon na umakyat sa entablado.
Hindi naman pinalampas ng ama ni Maria ang pagkakataon na makadalo sa graduation ng kanyang anak, ito ay agad na lumipad mula sa Pilipinas patungo sa Amerika para saksihan ang nakaka-proud na tagumpay ng anak niya. Si Maria, ang dalawa niyang kapatid at ang ina nilang si Jojit ay nakabase sa U.S.
Samantala, noong ika-8 ng Hunyo 2022, ay naibahagi ni Jojit sa ABS-CBN news na sa natamong tagumpay ng kanyang anak na si Maria ay daig pa niya ang tumama sa lotto.
‘Para akong higit pang tumama sa lotto’, ani Jojit sa ulat ni Connie Macatula-de Leon sa ABS-CBN News.
Dagdag pa niya, “Sa ating mga magulang, ang pinakagusto natin sa ating mga anak ay makapagtapos ng pag-aaral.
Ibinahagi din ni Jojit, na sa pagtatapos ng kanyang anak sa kolehiyo, ay para na rin nitong natupad ang pangarap niya noon na hindi niya natupad, at ito ay ang maging isang nurse. Saad niya, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral kaya hindi niya natupad ang pangarap niya.
“Kasi ako hindi ko magampanan matapos ang pag-aaral. Gusto kong maging nurse.
“Tignan mo naman ngayon, si Maria is living my dream,” ani Jojit.
Ayon naman kay Maria, kahit dalawang taon na ang lumipas mula ng makapagtapos siya ng kolehiyo, ay ngayon niya mas naramdaman ang pagiging graduate na nakaakyat na siya sa entablado.
“It’s been two years since I actually graduated, but we can only really celebrate now,” aniya sa ABS-CBN News.
“Before, two years ago, I didn’t really feel like [I had] a graduation [ceremony].
“I graduated on YouTube in my pajamas.
“So, I feel like this is the closure, the closure that everyone really needed.”
Ibinahagi din ni Maria ang kanyang success para makapasok at makapagtapos sa Harvard, kung saan ayon sa kanya isa sa pinakamahalaga ay ang huwag matakot na sumubok sa anumang oportunidad na dumarating sa ating buhay.
Sa susunod na school year ay plano umano ni Maria na kumuha ng medisina sa Bonston University.
0 Mga Komento