Madalas tayong nakakakita ng asong pagala-gala sa kalye, ilan pala sa mga ito ay may kaakibat na kwento at hindi lahat ay sadyang palaboy lamang o ang tinatawag na askal. Ang aso ang itinuturing na man’s bestfriend lalo na noong panahon ng pandemya sila ang naging kaagapay sa ating tahanan upang mawala ang mga isipin natin.
Ngunit kamakailan ay may isang nakakahabag na istorya ang naibahagi sa social media ng isang netizen na si Nicole, ayon sa kanyang Twitter post may nakita siyang asong nakatali o abandonado aso at nakatali sa isang bahagi ng Mandaluyong City Hall. Kaugnay nito may nakalakip itong sulat na nakaipit sa bandang leeg nito sa mismong tali.
Sa larawan ibinahagi ni Nicole nakalakip ang isang punit na pirasong notebook na papel at may nakasulat na “kuya/ate kung sino po ang makabasa nito sana po alagaan nyo po ng maayos ang aso ko” “Kaya kopo ginawa ito dahil lagi nagagalit si mama sakanya hindi ko man kagustuhan.”
“Sorry PANDA”
Panda ang pangalan ng asong inabandona, maaaring nakarating na sa tunay na may-ari ang nangyaring ito. Nakakaantig sa damdamin ang nakasulat sa pirasong papel at marami din sa mga netizen ang nakisimpatya dito.
Kalaunan ang asong si Panda ay inilagak sa Philippine Pet Birth Control Center Foundation sa may Boni Avenue. At pakiusap ni Nicole sa mga nais mag-ampon kay Panda maaari nila itong puntahan sa nasabing foundation. Ilang netizen naman ang nakapaghati simpatya matapos mabasa ang maramdaming sulat at nagpabatid na nais nilang ampunin ang asong si Panda.
0 Mga Komento