Ad Code

"Monster catch!" Higanteng sea bass o barramundi, nabingwit sa Iloilo River

 

Isang gahiganteng sea bass ang nabingwit ng isang angler (mamimingwit) sa Iloilo River.

Ito ay tumitimbang ng 27 kilograms.

Viral agad ang nahuling sea bass (kilala rin sa tawag na salonsong, barramundi, at apahap ) ni Willie Wendam nitong Linggo, July 24, 2022.

Kilala si Willie sa lugar dahil sa malalaking isda na nabibingwit niya. Sa katunayan, noong October 2021, nakabingwit siya ng salonsong na tumitimbang ng 22 kilos.

Ibig sabihin nito, na-beat ni Willie ang sarili niyang record.

giant fish

Isa sa mga malalaking isdang nabingwit ni Willie Wendam sa Iloilo River noong 2021.

Post ng LpuKids Ibike and Ipaddle blog: “Master Willie Wendam did it again! HE broke his record, today a big catch of ‘salonsong’ or barramundi. Weighing 27 kilos !!!!”

giant fish


Bida uli si Willie na nabingwit ang 27-kg sea bass noong July 24, Linggo.

Kahit si Iloilo Mayor Jerry Treñas, binati ni Willie noong Linggo.

Ibinida ng alkalde sa kanyang FB post ang huli ni Willie at ang efforts ng kanilang local government unit para i-rehabilitate ang kanilang ilog.

Post ni Mayor Treñas: “Our efforts to rehabilitate the river is now productive. Another monster catch is the latest addition from regular angler Willie Wendam.

“This 27 kilo salonsong or barramundi is a manifestation that Iloilo River is thriving. Let us keep our river clean and sustainable!”

giant fish

ILOILO RIVER REHABILITATION

Bilang bahagi ng rehabilitation efforts para sa ilog, may 2,039 isda ang pinakawalan sa Iloilo River ngayong taon sa tulong ng private sectors, ayon sa impormasyon ng City Agriculturist’s Office (CAO).

May higit 9,000 fingerlings ang pinakawalan ng CAO sa naturang ilog noong 2021.

Itinulak ni former Senator Franklin Drilon, isang Ilonggo, ang long-term rehabilitation ng Iloilo River noon dahil sa polusyon dito mula sa waste ng commercial establishments at naninirahan sa paligid ng ilog.

Bahagi rin ng rehabilitasyon ang Iloilo Esplanade, isang park na nakapalibot sa Iloilo River.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento