Ad Code

Kinabiliban ang pulis na ito, matapos niyang pakyawin ang panindang saging ng isang matandang naglalako sa gitna ng initan



Sa panahon ngayon kinakailangan mo talaga ng masusing diskarte, sa hirap ng buhay hindi pwedeng nakatunganga ka lamang at walang ginagawa kung hindi mamatay ka ng dilat. Kaya naman kahit na matanda ay kinakailangan maghanap-buhay may mailaman lamang sa tiyan nito.



Kaya naman ang mga taong natulong sa mga kapos sa buhay ay itinuturing na bayani, bihira na sa ating ang gumawa ng mabuting asal lalo na sa mga taong lubos na nangangailangan. Ngunit sa isang banda may mga tao pa rin naman na bukal sa kalooban ang pagtulong.



Kamakailan lamang sa social media account ng isang gobernador sa lugar ng Bulacan naibahagi nito ang kabutihang ginawa ng isang pulis sa isang matandang naglalako ng saging sa gitna ng kalsada. Mainit at maalinsangan ang panahon at hindi magandang magbabad sa kainitan ng araw dahil na rin nauuso ang tinatawag nilang heatstroke. Delikado pa ito lalo na sa isang matanda.



Sa nasabing post makikita kung paano tinulungan ng isang pulis ang matandang naglalako ng saging, pinakyaw nito ang lahat ng paninda ni Lolo upang makauwi na ng bahay. Marahil batid ni Police officer Jojo Paguia na delikado ang init na dulot sa panahong iyon, lalo pa may kaedaran na rin ang matandang nakita nito.



Kaya namana ng mga netizens napahanga sa ginawa ng Pulis, umani ito ng papuri at magagandang komento sa mga nakabasa ng nasabing post ni Gobernor. Hindi lamang ang pagpakyaw sa paninda ni Lolo ang ginawa nito, nagpaabot pa rin ito ng karagdagang tulong para kay Lolo. Pinayuhan din nito ang matanda na lubhang delikado para sa kanya ang maglako sa ganitong klaseng panahon.



Salamat sa mga taong tulad ni Police officer Jojo Paguia na siyang tunay may malasakit sa kapwa. Kaya huwag natin husgahan ang ilang kapulisan sa ating bansa, hindi naman lahat ay tulad ng mga napapabalita o inaakala nating may masamang gawain.



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento