Sa panahon ngayon, kailangan talaga natin na pangalagaan ng mabuti ang ating kalusugan upang mas mapahaba pa ang ating lifespan at mas me-enjoy pa ng matagal ang buhay kasama ang mga mahal natin sa buhay kaya isa talagang tunay na miracle kapag nakakatungtong tayo sa edad na 100.
Marahil ay marami sa atin ang hindi pa nakakaalam pero batay sa Centenarians Act na ipinatupad ng ating pamahalaan, inaasahang makakatanggap ng P100k cash ang lahat ng mga taong 100 anyos at isa na nga sa pinakabago at official na centenarian sa Pilipinas ay si Vicenta Beuno Batulan o kung tawagin ng kanyang mga kakilala bilang si “Nanay Vising” na mula sa Danao City, Cebu na nagdiwang ng kanyang birthday nito lamang Linggo, September 11.
Makaraan ang ilang araw matapos ang ika-100 na birthday ni Nanay Vising, personal siyang binisita ni Mayor Thomas “Mix” Durano na siyang kasalukuyang mayor ng Danao City upang ibahagi ang magandang balita na labis namang ikinasaya ng matanda.
Sa larawang ibinahagi ni Mayor Durano sa Facebook kumakailan lamang, makikita at mapapansin naman sa mukha ni Nanay Vising na masaya siya sa perang natanggap.
Bagama’t nakatanggap man ng malaking incentives sa pagsapit ng kanyang ika-100 na kaarawan, hindi naman maipagsasawalang-bahala ang katotohanang mas humihina at prone sa iba’t-ibang s@kit si Nanay Vising dulot ng katandaan kaya kailangang-kailangan talaga ng pera upang patuloy na mapangalagaan ang pangangatawan at kalusugan. Upang masigurado na sa mabuting paraan mapupunta ang perang natanggap ni Nanay Vising, humingi talaga ng pabor si Mayor Durano sa pamilya at tagapangalaga ng centenarian na sana’y gamitin ang pera pambili sa lahat ng mga pangangailangan ni Nanay Vising katulad na lamang ng kanyang mga gamot, vitamins, maintenance, at iba pa niyang needs.
Isa talagang malaking tulong ang “cash gift” na natatanggap ng mga centenarian lalong-lalo na para sa mga matatandang hirap sa buhay dahil para kay Nanay Vising, isang malaking tulong at ginhawa ang natanggap niyang P100k.
0 Mga Komento