Ad Code

Asong nais pumasok sa loob ng bahay ng kanyang amo at nagmamakaawang papasukin, Dedma lang ang amo



Bahagi na ng kulturang Pilipino na ituring na bahagi ng pamilya ang kani-kanilang mga alagang hay0p, kabilang ang mga aso. Ang mga aso rin ang nagsisilbing bantay sa panahong walang tao sa bahay o sa mga oras na mahimbing ang tulog ng pamilya.



Gayunman, may ilan pa ring dog owners na hindi nabibigyan ng sapat na aruga ang kanilang mga alaga o ‘di kaya naman ay nalilimutan nang isalba sa oras ng kagipitan.



Ganito ang mesahe ng Facebook post ng netizen na si Dan Meloux Conde. Makikita sa video na in-upload niya sa kanyang social media account ang isang aso na ‘di magkamayaw sa pagkatok sa bahay. Malakas kasi ang ulan at tila nagmamakaawa ang aso na papasukin siya dahil inaabot na rin siya ng ulan sa manipis na silong sa harap ng bahay.



“This br0ke my heart. Binabantayan nila bahay n’yo, sana pag gantong panahon, sila naman ang bantayan n’yo,” caption ni Dan sa kanyang trending video tungkol sa nakaaawang aso.



Agad rin naman daw tinulungan ni Dan ang aso. Pinuntahan niya ito at inihatid sa mas malaki-laking masisilungan. Gusto man daw iuwi ni Dan ang aso, hindi niya magawa dahil hindi maaari sa bahay nila ang aso.



Maraming netizens ang naantig sa kalagayan ng aspin. Isang paalala na huwag sanang kalimutan lang mga alaga lalo na kapag mga ganitong panahon. Sa kasalukuyan, mayroon nang 8,500 reactions na karamihan ay sad ang video kahit wala pang isang araw na naka-post. Umani na rin ito ng higit 400,000 views.



Ayon sa ilang social media users, isang nakalulungkot na realidad sa mga komunidad ang mga pagala-gala na lang na aso. Maraming alaga ang pinababayaan na ng kanilang mga amo. Marami rin ang nagpaalala sa mga katulad nilang pet owners na siguruhing makauuwi ang mga alaga lalo na ngayong madalas ang mga pag-ulan.



May mga nag-tag din sa ilang kilalang institusyon na nagliligtas sa mga katulad ng aso na tila napabayaan na. Nais din sana ng ilang netizen na kupkupin na lang aso.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento