Ad Code

Estudyante, nakatsinelas lang pumapasok habang napulot naman basura ang gamit nitong bag



Nag-uumapaw na determinasyon ang kinahahangaan ngayon sa social media na siyang nagpapatunay na walang kahirapan ang maaaring makakahadlang sa mas matayog pa na pangarap ng isang estudyanteng nagpupursige sa buhay upang makapagtapos ng pag-aaral. Pinagsisikapang darating ang panahon ng kanyang pagtatagumpay.





Ibinahagi ng isang college instructor na si Mark Angelo Donesa mula sa University of Iloilo ang makabagbag puso na sitwasyon ng isang first year student nila sa kursong Criminology na si Fritz Aldrin Arsalon.



Sa kagustuhan kasi nitong makapag-aral, tanging siya lang sa buong klase ang pumapasok na nakatsinelas habang hindi naman naayon ang gamit nitong bag sa nirerequire ng paaralan kahit alam nitong may kaakibat itong parusa.



Dito nila napag-alaman na wala pala ito niisang pares ng sapatos sa pwedeng masuot sa kanilang klase at trainings at tanging punit na bag naman ang kanyang ginagamit na napulot niya lang din umano sa basurahan.

"Napulot ko lang po ito sa basurahan at saka ko nilabhan Sir,"



Naantig ang kalooban ng mga guro sa hirap na pinagdadaanan ni Fritz dahil kitang-kita nila ang kagustuhan nitong makapagtapos ng pag-aaral kahit pa sa sobrang kakapusan.



Kaya nag-ambagan silang mga guro upang mabigyan nila ng mga gamit ang estudyante na sinusupurtahan lang ang sarili para makapag-aral.

"May dalawang pares ng shoes, 6 pants, 5 white shirts, bag, groceries, at Cash para sa tuition niya."



Hangad naman ni Donesa at ng kasamahan niyang mga instructor ang makamit ng estudyante ang kanyang pangarap sa kabila ng kahirapan.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento