Ad Code

Larawan ng Birheng Maria, lumitaw sa Bunga ng Mais; Gumagawa ng mga himala sa Iligan City


Nag-viral sa social media ang imahe ng Birheng Maria na lumabas sa bunga ng mais sa Iligan City. Ito ay dinadalaw at dinadasal ng mga deboto na naniniwalang may ginawang milagro ang imahe ng Birheng ito. Makikita ang mga deboto na nagdadasal sa maliit na kapilya kung saan matatagpuan ang "Birhen ng mais".

Si Nanay barita ang nakapansin sa bunga ng mais at siya rin ang dating tagapag-alaga ngunit nang siya ay pumanaw ay si Virginia ang tumatayong tagapag-alaga ng imahe ng birhen maria.

Ayon kay Virginia, nag-ani ng mais si Nanay Barita noong Agosto 1, 2001. Nang buksan niya ito, nakita niya ang tila nakaukit na imahe ng Birheng Maria sa mais. Dahil dito, naniniwala silang malaki ang tulong ng "Birhen Maria ng mais" sa mga deboto.


Eden Barita, isa sa mga mananampalataya, may mga taong may masamang balak din at sinubukang kunin ang Birheng Maria sa mais.

"Ang hitsura sa mais, lumalaki siya tapos hindi nabubulok. Noon 'pag naubusan siya ng buhok, tumutubo," Virginia said.

Ayon sa science expert na si Dr Lolita Beato, posibleng ang nangyari ay dahil umano sa pagsulpot ng Birheng Maria sa mais. "Posible na ang nangyari sa mais na meron ka diyan ay minamanipula ng human factors," ani Dr. Beato.

"Ang paglaki ng corn, that is by nature. Wala tayong variety ng mais na may birhen. Merong mais na lumaki kasi meron na siyang sakit. Ito namang grain crops na ito ay masisira. Nabubulok din 'yan kahit ano pang pagkakatubo niyan," Sabi ni Dr. Beato.


Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Father Jerome Secillano, kailangan pa rin ang pagsusuri ng mga pari at eksperto sa agham at medisina.

"Ang pagpapalakas naman ng pananampalataya natin ay hindi nakadepende sa mga milagro. Sapat na malaman natin na may Diyos, sapat na malaman natin na meron tayong tagapagligtas," Fr. Sabi ni Secillano.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento