Ad Code

Bunsong anak nina Marian at Dingdong, na si Sixto kinagiliwan ng marami

Sa mga ganitong panahon na tayo ay nakakaranas ng sobrang alisangan dahil sa init ng panahon, ay tunay ngang nakaka-relaks at tila makakapagpaganda ng ating pakiramdam ay ang magtungo sa mga beach o resort, kung saan tayo makakapagtampisaw. Ngunit maliban pa sa pagre-relaks, tila napakagandang ideya din para sa mga nagdiriwang ng kaarawan ng ganitong buwan ang i-celebrate ang kanilang birthday under the sun sa isang resort o di kaya naman ay beach kasama ang kanilang pamilya, talaga namang napakasaya diba.
Kamakailan nga lamang ay nagdiwang ng ika-3 taong gulang na kaarawan ang bunsong anak ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto, at maliban nga sa pagkakaroon ng isang maganda, masaya at makulay na birthday party ay napili din ng pamilya na magbakasyon sa isang beach bilang parte ng pagdiriwang nila ng kaarawan ni Sixto

Makikita sa Instagram account ng Primetime Queen na si Marian Rivera ang naging pagbabahagi niya ng mga magaganda at masasaya nilang larawang magpamilya na kuha nga sa isang napakagandang beach ng Pangulasian Island Resort. Ang kaarawan nga ng anak niyang si Sixto ang isa sa mga naging oportunidad para muling makapag-enjoy ang buo nilang pamilya sa isang beach ngayong panahon ng tag-init.

Kalakip naman ng mga larawan na ibinahagi ni Marian ay ang kanyang caption kung saan inihayag naman niya ang pagbati niya ng Maligayang Kaarawan sa bunso niyang anak na si Sixto.

“Happy happy birthday to my sweetest boy, Sixto! I’m so happy to see you grow and learn every day.

You bring so much joy in our lives. Please don’t grow up too fast”, ani ng celebrity mom sa kanyang caption.Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ni Marian ang undeniable cuteness ni Sixto at ang pagiging adorable nito. Kapansin-pansin din naman talaga ang kagwapuhang taglay ni Sixto na minana niya sa kombinasyon na ganda at gwapo ng mga magulang niya.

Sa isang larawan nga na ibinahagi ni Marian ay makikita na si Sixto ay naglalakad sa white sand, nakasuot ng putting t-shirt at stripe na short na may terno pa ngang sombrero kaya naman nagmukha talagang seafarer na naligaw sa isla ang cute na cute na si Sixto.

Ilang oras nga lamang matapos na i-post ni Marian sa kanyang Instagram ang mga kagiliw-giliw na larawan ng anak niyang si Sixto ay kaagad nga itong umani 141,548 na likes reaction. Maliban pa dito maraming mga netizens din ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa napakagwapo at charming na si Sixto para sa kaarawan nito.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento