Samantala, sa kalagitnaan ng pagte-therapy ng aktor ay napalapit nga siya sa Panginoon, kaya naman ng makabalik siya sa pag-aaral, ay pinili niya ang kursong Theology sa All Nations College. At matapos nga ang ilang taon na pagpupursige ni Baron sa kanyang pag-aaral, nito lamang nakaraan ay buong pagmamalaki nga niyang ibinahagi sa kanyang Instagram account ang kanyang pagtatapos kung saan ay ipinakita niya ang ilang mga larawan niya na kuha sa naganap nilang graduation ceremony.
“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord! [emoji]” saad ni Baron sa caption ng mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram.Kitang-kita naman sa larawan ni Baron ang kanyang labis na kasiyahan sa tagumpay na ito na kanyang nakamit sa buhay. Bakas nga sa kanyang ngiti habang kumukuha ng kanyang diploma sa entablado kung gaano siya ka-proud para sa kanyang sarili, lalo na nga’t kung muli niyang aalalahin ang naging buhay niya noon ay tila imposible ang mga kaganapan na ganito.
Marami naman sa mga fans at kapwa celebrity ni Baron ang nagpaabot ng pagbati para sa aktor sa achievement nga na nakamit nito.“Congratulations Baron”, pagbati ng dating aktres na si Princess Punzalan.“Congrats Baron!!!”, saad naman ni Donalyn Bartolome. “Congratulations @baron.geisler”, komento naman ni Jennifer Lee.
0 Mga Komento