Ad Code

Single Dad, Proud na ipinagmalaki ang anak na pumasa sa Bar Exam

Labis ang galak na nararamdaman ngayon ng isang single dad mula sa Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City.

Matapos kasing makarating sa kanya ang magandang balita na nakapasa ang kanyang kanyang 28-anyos na anak sa Bar Exam

Sa sobrang proud ng amang si Renato Baysa ay nagpagawa ito ng Tarpaulin para sa kanyang anak na si Lynk Juren na isinabit niya sa kanilang puno bilang surpresa sa kanyang anak.

Nakasulat sa tarpaulin: "Congratulations! From: Daddy, the single parent who sacrificed everything for your good. I am proud of you."

Ayon pa kay Tatay Renato, isang linggo bago ilibas ang resulta ng Bar exam ay nakahanda na ang tarpaulin

Nang tumawag sa kanya ang kanyang anak na nakapasa na ito sa Bar exam labis ang kanyang tuwa at agad na inilabas ang tarpaulin at agad na isinabit ito.

Nagulat nalamang ang anak na si Lynk nang makauwi ito galing sa trabaho na may nakasabit nang tarpailin para sa kanya bilang pag-salubong

"Natutuwa sa kaniya kasi siyempre 'yung pangaral ko sa kanila ay hindi nila ako binigyan ng problema,"

Ikinuwento ni Renato na hindi biro ang kanyang pinagdaanan para maitaguyod ang kanilang buhay na mag-aama.

Siyam na taon umanong nagtrabaho sa Japan si Renato at nang umuwi sa Pilipinas noong 2002, bigla silang iniwan ng kaniyang misis.

Siya na ang nag-iisang bumuhay sa kanyang mga anak, una bilang mekaniko ng mga sasakyan hanggang sa naging operator ng mga pampasaherong jeep.

"Mula noong mga bata sila ay sinasabi ko sa kanila na mag-aral silang mabuti dahil wala akong maipapamana sa kanila kung hindi 'yung aral lang nila," anang ama.


"Nagpapasalamat po ako sa tatay ko na hindi po kami iniwan at nagsakripisyo po siya na kahit nagsimula kami sa wala noong umuwi siya ay hindi siya sumuko sa amin," ani Lynk.

"Lagi niyang sinasabi na mangarap kayo na makapagtapos dahil 'yon lamang daw po ang magandang maiiwan niya po sa amin," dagdag ng bagong abogado.


Nagtapos sa Arellano University School of Law si Lynk at kasalukuyan nagta-trabaho sa Court Management Office sa Office of the Court Administrator ng Korte Suprema.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento