Ad Code

Isang ina, nasaksihan at nakuhanan ng video ang ginagawa ng kaniyang mag-ama sa kanilang kusina

Ang mga magulang ang siyang humuhubog sa kanilang mga anak mula pa nang sila ay isilang, magkaisip, at tumuntong sa wastong gulang. Talagang sila ang nagiging gabay at suporta ng mga anak nila hanggang sa dumating na ang tamang panahon na kaya na nilang magdesisyon sa kanilang mga sarili upang magkaroon sila ng maayos na buhay.


Hindi na lingid sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga ganitong klase ng magulang. Kung sa ibang bansa ay kinakailangan nang magsarili ng mga anak sa edad na 18 taong gulang, sa ating bansa ay walang anumang edad o panahon na nagdidikta upang umalis ang mga anak sa poder ng kanilang mga magulang.
Marahil ay hindi na rin bago sa atin ang video na ito ng isang ama at anak niyang babae na nagsasayaw sa kanilang kusina. Minsan itong nasaksihan at kinuhanan ng video ng ina ng batang babae at ibinahagi ito sa social media.


Talagang marami ang naantig dito dahil kahit abala sa pagluluto ang asawang lalaki ay nagagawa pa rin niyang alagaan at isayaw ang kanilang anak na babae. Ngunit naging kontrobersiyal ito nang magkomento ang maraming mga netizens na diumano ay hindi magandang makita ang ama at anak na babae sa ganitong klase ng posisyon.
Kahit pa nga nagsasayaw lamang sila sa kusina habang abala ang ama sa pagluluto, maaari naman daw tumayo ng maayos ang anak sa kaniyang ama at hindi na siya kargahin pa. Ilang mga netizens din naman ang nagtanggol sa ama dahil batid naman daw ng maraming mga magulang na nasa matinong kaisipan pa ang mga bagay na ito lalo na kung usaping sekswal.
Tiyak naman din daw na hindi gagawa ng kahit anong masama ang ama dahil naroroon sa bahay na iyon ang kaniyang asawa. Marahil ay isang mapagmahal na ama lamang ang nasa video karga ang kaniyang anak na babaeng naglalambing.


Marami din naman sa ating mga Pinoy ang talagang daddy’s girl kung kaya naman marahil ay talagang yun lamang ang relasyon ng dalawa at wala nang iba pa.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento