Ad Code

"Sorry po kasi hindi po ako matalino" Isang nakakalungkot na liham mula sa isang Grade 3 student para sa kanyang mga magulang

 

Bilang magulang nais nating maging mahusay at magaling ang ating mga anak sa kanilang eskelahan ngunit may mga bagay din tayong nakakalimutan sa kanilang pag aaral,

Umantig ng puso ang isang larawan ng isang estudyante ng nag iwan ng sulat tungkol sa kanyang nararamdaman at nararansan sa kanyang pag aaral.

Nang mabasa ng magulang ang liham na isinulat ng anak sa kapirasong papel na nakasulat ang mga salitang "mami and dadi sorry Po kasi hindi Po ako matalino"
"Good morning I love you"



Dahil sa nakita ay hindi na napigilan pa ni Vivien na maiyak sa liham ng anak. "Nadurog ang puso ko umagang umaga umiiyak ako" anito sa kanyang post.

Sabay hingi ng patawad sa anak nito. "Sorry anak ko kung iniisip mo na hindi ka magaling sa paningin namin ng daddy mo (sad) Mahal na mahal ka namin"



Hindi na rin napigilang mahabag ng mga netizens na nakakita sa post ni Vivien dahil sa mga salitang binitawan ng anak nito.

Ayon sa mga komento, mabuti na marunong magpahayag ng damdamin ang bata sa murang edad pa lang. Mas madali daw makausap at masolusyonan ang problema kapag ganito ang pag uugali ng bata.



Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento