"Kudos dito kay Kuya, nakita ko siya may bitbit na aso along F. Blumentritt, San Juan.
Me: Kuya, ba't bitbit mo 'yan, 'di na ba makalakad?'
Rider: Nakakalakad naman siya kaso pagod na kaya binitbit ko na lang.
Me: Ano bang nangyari sa kanya?
Rider: May nakita kasi akong bata, tinanong ko, 'Bakit mo pinapalakad 'yan nang ganitong sobrang init ng panahon?'
Sabi daw sa kanya (nu'ng bata), pinapaligaw daw 'yung aso... Sabi naman ni Kuya, 'Nako, bakit niyo ililigaw 'yan? May buhay din naman 'yan. Akin na lang, iuuwi ko.'
Kaya kinuha na lang daw ni Kuya 'yung aso. Iuuwi niya sa kanila, siya na daw bahala gumawa ng paraan mapagaling 'yung aso, mukha kasing nalalagas na 'yung buhok.
Nakakatuwa lang isipin na hindi nag-alinlangan si Kuya na iuwi 'yung aso kahit na siya ay nasa kalagitnaan ng trabaho niya. Napakabusilak ng puso mo, Kuya. 'Yung nasa taas na ang bahala magbalik sa 'yo."– Jhed Reiman Laparan
0 Mga Komento