Ad Code

Isang batang palaboy ang nag-ampon ng isang tuta na ipinangalan niya sa nawala niyang kapatid


Nakilala ng publiko ang 11 taong gulang na si Rommel Quemenales nang minsang maibahagi ang kaniyang kwento sa isang dokumentaryo. Siya ngayon ay nabubuhay sa lansangan matapos iwanan ng kaniyang ama ang kaniyang ina.



Ang kaniyang ina naman ay tila nawalan na ng interes na alagaan at kalingain siya at ang kaniyang mga kapatid. Dito na nagsimula si Rommel na mamalimos ng pera sa lansangan.

Delikado man ito dahil siya ay musmos pa rin at menor de edad ngunit wala siyang ibang alam na mapagkukunan pa ng pera na maaari niyang gamitin upang mabuhay. Samantala, palagi naman din niyang kasama ang isang tuta na kaniyang inampon noon.



Sa bawat lakad niya ay kasa-kasama niya ito. Ang binigay niyang pangalan dito ay Badji. Sila ay naninirahan sa lansangan at sa mga bangketa sa Quezon City.

Taong 2009 pa daw nang iwanan sila ng kanilang ama matapos nitong sumama sa kanilang yaya at hindi na bumalik pa sa kanilang pamilya. Nakikita at nakakasama pa rin naman niya ang kaniyang ina paminsan-minsa ngunit tila wala na itong pakialam pa sa kanila.



Naibahagi din ni Rommel na mayroon siyang kapatid na nawala noon at ang pangalan nito ay Adji. Sa tuwing nakikita daw niya ang alaga niyang si Badji ay naaalala niya ang kaniyang nakababatang kapatid.


Ayon sa nanay ni Rommel, hinanap naman daw nila si Adji sa mga kalapit na lugar ngunit hindi na nila ito nakita pa. Ayon din sa kaniyang ina, sinabi daw ng kanilang ama na hindi na sila dapat pang mag-alala kay Adji dahil darating din ang araw na muli silang magkikita-kita.

Para kay Rommel, ang alaga niyang si Badji ay kaniyang kalaro. Kapatid din ang turing niya dito kung kaya naman maging ang pagdadala o pagbubuhat dito ay parang sa kapatid niya rin.

Sa ngayon ay masaya si Rommel dahil kasama niya si Badji sa araw-araw.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento