Aminin man natin o hindi sa pag-aaral lalo na upang makatapos ng kolehiyo sa ating bansa, ang isang estudyante ay nangangailangan ng kagamitan at syempre perang maitutustos sa pag-aaral nito. Kung hindi ka biniyayaan ng katalinuhan upang makapasok sa mga scholarship tiyak lalo kang mahihirapan.
Pero may kasabihan nga tayo “Kung ayaw maraming dahilan at kung gusto maraming paraan”. Ganito marahil ang pinanghawakan ng isang estudyanteng nakitaan ng determinasyon ng kanyang guro at kamag-aral upang ipagpatuloy nito ang pag-aaral sa kursong criminology.
Ang instructor na si Mark Angelo Donesa isang Martial Arts Instructor tungkol sa isang 1st yr Criminology ay nagbahagi ng kwento sa social media ng kanyang estudyanteng si Fritz Aldrin Arsalon ng University of IloIlo. Maraming netizen ang naantig sa kalagayn ni Fritz dahil sa mga kuhang larawan na ibinahagi ng guro nito.
Ayon sa instructor ni Fritz sobra ang determinasyon ng bata upang makapagtapos ng pag-aaral at balang araw na makamit ang pangarap nitong maging isang pulis. Dagdag pa nito ang mga kagamitan na makikita sa larawan na suot ng binata ay galing lamang sa basurahan at nilalabhan nito upang may magamit pampasok sa eskwela.
Ikaw ba naman ang dumating sa klase ng nakatsinelas lamang at sira ang bag, maging ang pantalon na suot nito. Kaya naman naging agaw pansin ito habang sila nagklaklase. Dahil dito nagtulungan sila na mga instructor at nag-ambagan para mabilhan ng gamit si Arsalon na sinusupurtahan lang ang sarili para makapag-aral. Dalawang pares ng shoes, 6 pants,5 White shirt, bag, Groceries, at Cash ang naibigay para sa kanya.
Sa ngayon umabot na libo libong shares at mabubuting komento na pagpapalakas ng loob sa bata, pati paghanga ng iilan netizens. Hangad din ng kanyang instructor na makapagtapos ito ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay.
0 Mga Komento