Ad Code

Vlogger na si Ninong Ry, ipinakita ang kanyang cooking skills sa mga preso




Natututunan naman ang pagluluto pero tsaka lamang nasusubok ang ating talento at skills sa pagluluto kapag ang kailangang paglutuan ay ang malaking grupo ng mga tao katulad na lamang ng sa party o ‘di kaya’y fiesta pero pinatunayan lang naman ng vlogger at influencer na si Ninong Ry na kayang-kaya niya magluto at maghanda ng masasarap na mga pagkain para sa mga preso nang madalian.



Isa si Ryan Reyes sa mga sikat na Pinoy vloggers ngayon pero unlike sa karamihan na lifestyle ang focus ng kanilang contents ay pagluluto ang highlight sa kanyang bawat video. Maliban nito, sinisiguro rin niyang nakakapagbigay siya ng inspirasyon para sa kanyang mga manonood dahil simula nang siya’y nakilala, patuloy talaga siya sa pagtulong sa kanyang kapwa kaya kung healthy at awe-inspiring na content creators lang naman ang pag-uusapan ay tiyak na nangunguna sa listahan si Ninong Ry.



Katulad ng iba, mahusay din si Ninong Ry sa pagbibigay ng katatawanan, libre rin siyang nagbibigay ng tips sa pagluluto ng masasarap na mga pagkain. Bukod nito, labis din na hinahangaan ng kanyang fans o mga “inaanak” ang kanyang mga payo sa iba’t-ibang aspeto ng buhay na punong-puno lang naman ng wisdom kaya masasabi talaga na isa siyang tunay at mabuting influencer.




Kung noon ay pagtuturo kung paano gumawa ng masasarap na mga pagkain ang laman ng kanyang videos, ngayon naman ay muling pinatunayan ni Ninong Ry ang kanyang kahusayan sa pagluluto dahil buong puso lang naman niyang binisita ang San Juan City Jail at nag-offer na magluto at maghanda ng pagkain para sa mga preso.




Sa napakaraming preso sa nasabing bilangguan, isa talagang challenge para kay Ninong Ry na magluto ng pagkain pero sa tulong ng iilang detainees, hindi umano niya na-feel ang pagod at hirap. Sa katunayan, puring-puri pa nga siya sa efficiency ng mga ito dahil nakakaya umano nilang makapagluto para sa ganito karaming preso.




“Nakakatuwa kasi alam nila eh kasi kunwari isasalang mo ‘ko dito, maliligaw talaga ako. Hindi ko talaga alam so kung wala ‘yung guidance nila Kuya, walang mangyayari sa’min. Mapapakain natin iyong kalahati pero paano ‘yung iba? Hindi naman pwede ‘yun,” sabi ni Ninong Ry.



Dagdag pa niya, “Sobrang valuable ‘nung binigay nilang mga insight sa amin. Na-appreciate ko talaga tsaka makapagluto sa ibang environment na hindi naman talaga ako dapat nandito, ibang usapan ‘yun.”



Para kay Ninong Ry, ang pagluluto at paghahanda ng pagkain sa ganito karaming tao ay isang challenge at karangalan dahil maliban sa kanyang bagong experience ay nakatulong pa siya.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento