Ad Code

Larawan ng GCash QR Code para sa 'Cash Donations' sa isang Simbahan



Hindi mapagkakaila na ang Simbahang Katoliko ang pinakamalaking charitable institution sa buong mundo. Kaya naman malaking bagay ang ating mga donasyon upang makatulong sa mga proyekto ng simbahan tulad ng pagkalinga sa mga walang tahanan at pagtulong sa mga nangangailangan.



Ginagamit rin ang mga donasyon sa mga pangangailangan ng simbahan gaya ng mga pantustos sa kuryente, tubig, pambayad sa mga manggagawa at iba pa.



Sinasabing hindi naman nirerequire ng simbahan na kailangan mag-abuloy ng may specific na halaga. Ang mga katoliko ay malaya kung magkano man ang kanilang maitutulong at bawat sentimo ika nga ay mahalaga.



Makikita sa lahat ng simbahang katoliko ang mga donation boxes kung saan pwedeng ihulog ang kahit magkanong 'cash' na nais nating ibigay, barya man ito o papel.

At dahil nauuso at 'in demand' na talaga ang digital money transfers sa panahon ngayon ay naisipan na rin at tila naglevel up na ang pagbibigay sa donasyon sa isang simbahan sa Paranaque City.



Para sa monetary church offering sa Our Lady of Unity Parish, Diocese of Parañaque, pwede na din ang online money transfer sa pamamagitan ng GCash, isang mobile wallet app.

Bukod sa donation boxes ay mayroon nang makikitang larawan ng GCash QR Code sa loob ng simbahan kung saan pwede itong i-scan upang magpadala ng 'cash donations'.




Kaya naman isang netizen ang naaliw ng makita ito at ibinahagi ang larawan nito sa social media na talaga namang kinaaliwan ng karamihan.

Biro pa ng netizen at uploader na si Anfernee Darrel Calazan Lao, "Pati si Lord may Gcash na."


 

Sadyang marami ang naaliw sa anila’y high-tech nang tradisyon maging sa simbahan kaya ang post na iyon ni Lao ay agarang nagtrending online at sa ngayon ay umani na ng 24,000 reactions at 22,000 shares.

Marami rin ang nagcomment dahil sa tuwa sa post.

"May GCash na sa Heaven"

"Di na ako mamomroblema pag nag simba tayo"

"Pwede mo iclaim gpoints sa langit"


Ngunit kung marami man ang natuwa ay mayroon ring hindi masyadong nagustuhan ang post na iyon ni Lao.

Para sa ibang netizens, 'offensive' raw ito at hindi dapat ginagawang biro ang simbahan at ang Diyos.

"I don't know what is funny about this. The church is just adapting to the changes with tech but I actually find this offensive. Call me Killjoy but it is the truth and also the caption really is good for commandment #2"

"Linggo pa naman ngayon minus points ka sa langit brother"


"Walang nakakatawa nak. very insensitive ha."



Samanatala, mayroon ring Facebook page ang simbahan na may parehong Gcash QR code na makikita sa kanilang cover photo na pwedeng pagpadalhan ng mananampalataya sa kanilang daily mass.

Sa pamamagitan ng Facebook broadcast, maaaring makadalo virtually sa kanilang misa kada-7:30 ng umaga mula Lunes hanggang Sabado, at kada-7:30, alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon bawat Linggo.




Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento