Sinasabing ang pag-aasawa ay hindi isang biro. Marami itong kaakibat na responsibilidad at hindi talaga maikakaila na mahal na ang pagpapakasal ngayon
.
Nariyan na kasi ang mga nauusong pakulo katulad ng same-day edit video, prenuptial photo shoot, save the date photo shoot at regalo ng mag-asawa sa isat-isa bago magkita sa altar.
Syempre andiyan rin ang gastusin sa simbahan, reception at mga damit ng ikakasal. Ngunit stressful man at magastos, ay ito pa rin ang pinakamasayang araw para sa isang magkasintahan na mag-iisang dibdib at magsasama ng panghabang-buhay.
Isang blessing nga naman sa isang mag-asawa ang pagpapakasal, lalo na kapag naroon at saksi ang buong pamilya at malalapit na kaibigan. Isang napakalaking blessing din sa kanila ang mga natatanggap na regalo mula sa mga mahal sa buhay.
Lalo na marahil kung ang natanggap na biyaya ng mag-asawa ay umabot sa milyong piso at sa araw ng inyong kasal ay naging ‘instant milyonaryo’ kayo!Tulad ng maswerteng mag-asawa na sina Alden Chua Tan at May Jean Acosta na ngayon ay trending online at sinasabing nakatanggap ng mahigit kumulang na 1.2 million pesos sa kanilang money dance.
Ang napakagandang kwentong ito ay ibinahagi sa sociala media ng kanilang wedding and events coordinator na si Geraldine Hizole. Ayon kay Hizole, ang salapi ay regalo mula sa pamilya, mga kaibigan, ninong at ninang ng bagong kasal.
Ikinasal ang dalawa noong Martes, June 28, 2022 at hanggang ngayon ay taos-puso ang kanilang pasasalamat sa lahat ng blessings na kanilang natanggap dahil first time raw nila ang magkaroon ng extravagant na event kaya sinulit na din ng kanilang mga kamag-anak ang regalo para sa kanila.
Ayon sa kapamilya ni Alden, nagsimula lamang ang huli bilang junk shop boy hanggang sa siya’y nakaipon ng puhunan na kanya namang ginamit upang mapatayo ang sarili niyang junk shop. Kaya naman plano diumano ng mag-asawa na ilaan sa negosyo ang natanggap na pera.
Mapapa-“sana all” ka na lang talaga!
Narito ang post ng wedding coordinator na si Hizole:”The most generous wedding I have ever organized in my entire career as a wedding coordinator… MONEY DANCE which accumulated a total of more than 1.2M PESOS from siblings, friends, ninongs and ninangs, relatives and business partners..Indeed this family and their friends have abundant blessings because of their generous hearts…
CONGRATULATIONS and BEST WISHES, Sir Alden Chua Tan and Ma’am May Jean A. Lazarito on your wedding day!
Nakakamangha at nakakatuwa.. Very touching!”
0 Mga Komento