Bihira na sa panahong ito ang magkaroon ng batang malambing at mapagmahal sa kanyang magulang, maituturing na kayamanan ang pagkakaroon ng isang mabait na anak. Ang batang si Jenny ay naging usapan ng mapanood ng mga netizens ang video nito kasama ang kanyang ama na may kapansanan sa paningin. Ang batang si Jenny ay limang taong gulang pa lamang, sa murang edad alam na nito ang resposibilidad niya sa kanyang ama.
Ang kanyang amang si Nelson “Dodong” Pepe ay hirap sa pagtratrabaho ngunit sa tulong ng kanyang anak na si Jenny napapadali kahit paano ang trabaho nito. Bagamat may kapansanan sa paningin hindi naman ito naging hadlang upang tumugil ito sa pagtratrabaho. Katuwang ang kanyang anak bilang taga-alalay nito sa daan patungo sa trabaho nito.
Araw-araw kinakailangan akyatin ni Nelson “Dodong” Pepe ang 60 punong niyog upang kumita ng 300 piso. Sa lawak ng lugar na puno ng mga niyog at kung minsan madulas pa ang daanan dito. Sa ilang mga larawan makikita ang daanan ng mag-ama na masyadong matarik at kung minsan naman ay puno ng bato bukod sa matalahib ito.
Samantala bumuhos ang tulong sa mag-ama matapos marami sa ating kababayan ang makakita ng kanilang kalagayan, hinangaan si tatay sa kanyang napakalakas na loob na determinasyon sa buhay upang mabigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Sa kabilang banda marami din ang naantig sa sitwasyon ng mga ito, kaya naman ang ABS CBN Foundation ay nagpahatid ng tulong sa mga ito.
Bukod pa diyan ang tulong pinansyal sa mga iba’t ibang organisasyon sa kanilang lugar. Ang hirap ng buhay lalo na kung ipinanganak kang mahirap. Marahil ang lahat may dahilan kumapit lamang sa panginoon at siya ang bahala sa ating lahat.
0 Mga Komento