YouTube content creator na si Toni Fowler, nakatanggap ng P32-million worth of life insurance para sa kaniyang kaarawan bilang regalo ng kaniyang nobyo na si Vince "Tito Vince" Flores.
"Ang regalo ko sayo Mommy Toni, ay life insurance. At ang beneficiary dun ay si Tyronia," saad ni Vince sa kaniyang message kay Toni.
Ayon kay Vince, hindi niya ito ibinahagi para 'mag-flex' o ipagmayabang ang kaniyang regalo, kung hindi gusto niya umanong maka-sigurado na kapag dumating ang panahon na mawala sila ni Toni sa mundong ibabaw, magiging secured ang future ng anak nito na si Tyronia.
Napa sana all ang maraming netizen matapos mapanuod ang kanilang daily vlog
"GRABE, the best yan! Yan yung one of the best gift na iniisip ang kapakanan ng mga mahal sa buhay. Happy birthdaaaaay Toni Fowler"
"SA ginawa mo, hinding Hindi magiging secure ang buhay Ng bata. Dahil mas bngyan mo Ng kapahamakan ang bata' Hindi na ligtas ang mundong ating ginagalawan ngayon dahil sa sobrang hirap Ng buhay.'."
0 Mga Komento