Ad Code

ILANG BATCH NG ‘LUCKY ME!’ INSTANT NOODLES, PINA-RECALL SA IRELAND AT MALTA DAHIL SA HEALTH SAFETY ISSUES



Naglabas ng health safety warnings ang mga bansang Ireland at Malta laban sa isang popular na brand ng instant noodles na ‘Lucky Me!’ dahil sa mataas na level ng pesticide na ethylene oxide.

Ayon sa Food and Safety Authority ng Ireland, pinare-recall nito ang isang batch ng Lucky Me! Instant Pancit Canton Original Flavor na gawa sa bansang Thailand na may ‘best before’ date na July 20, 2022.



Samantala, limang variant naman ng nasabing instant noodle brand ang pinare-recall ng bansang Malta dahil sa parehong reklamo. Base sa nakalathala sa website ng Department of Information nito, ilang batch ng Lucky Me! instant noodles na may packaging date na hanggang July 22 ang kasama sa recall. Ang mga variant naman ay ang sumusunod:











Instant noodles Pancit Canton ORIGINAL Flavor

Instant noodles Pancit Canton HOT CHILI Flavor

Instant noodle soup BEEF Flavor

Instant noodles Pancit Canton KALAMANSI Flavor

Instant noodles Pancit Canton CHILIMANSI Flavor

Ang ethylene oxide ay isang mapanganib na kemikal na kadalasang ginagamit sa paggawa ng pesticides at disinfectants.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento