Isang dalaga, ang kamakailan lamang ang proud na ibinahagi na dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pag-aaral, at sa tulong ng kanyang mapagmahal at super supportive na boyfriend, ay nagawa niyang makapagtapos ng kolehiyobilang Cum Laude, at makapasa sa board exam para maging isang propesyonal na guro.
Nagtrending nga online, kamakailan, ang kwento ng magkasintahang nakilala bilang sina Ray Mark De Martin at Blessy Parreňo, ito ay matapos ngang ibahagi ng naturang dalaga, na malaking bahagi ng kanyang pagtatapos sa pag-aaral, ay dahil sa sakripisyo at pagiging masipag ng kanyang nobyo.
Ikinuwento nga ni Blessy, sa kanyang Facebook page, ang pagpupursigeng ginawa ng kanyang nobyo, upang matulungan siyang matustusan ang kanyang pag-aaral. Na kung saan, ayon pa kay Blessy, ay pinasok ni Ray Mark, at iba’t ibang marangal na trabaho, upang siya’y tulungan sa mga gastusin niya sa kanyang pagkokolehiyo.
Sa naging pagsasalaysay ni Blessy, ay sinabi nito, na nagtrabaho ang kanyang nobyo bilang kargador ng palay, construction worker, cook at ngayon ay OIC ito ns isa sa mga branch ng Mang Inasal.
Maging ang pinagdaanan nilang panghuhusga mula sa ilang mga tao na nakapaligid sa kanila, na tila minasama ng malaman na ang nobyo ang nagpa-aral sa kanya, ay ibinahagi rin ng dalaga, dahil isa rin umano ito, sa mga naging dahilan niya upang mas lalo pang magpursige sa kanyang pag-aaral.
“Nagtiis kami pareho, nagsikap at pinagtyagaan ang lahat ng bagay na mayroon kami.”
“Mahirap??? OO, sobra, maraming chismiz, negative thoughts at panghuhusga! Kesyo iiwan ka rin niyan pagka-graduate niya, bakit ka maghihirap diyan, eh hindi mo yan kaanu-ano.”
“Ilang beses ko kinapalan ang aking mukha. Nilakasan ang aking loob. At sa awa ng Diyos, nalampasan namin ang lahat”, saad ng ani Blessy sa kanyang Facebook post.
Dahil sa talagang nakita ni Blessy, ang pagpupursige at sakripisyo na ginagawa ni Ray Mark para siya’y makapagtapos ng kanyang pag-aaral, bilang balik dito, ay mas lalo pang sinipagan at pinagbutihan ni Blessy sa kanyang pag-aaral.
Kaya naman sa kanyang naging pagtatapos sa kolehiyo, kung saan ay natamo niya ang karangalan bilang Cum Laude, ay isa ang kanyang nobyong si Ray Mark sa kabis niyang pinasasalamatan.
Taos puso ngang mensahe ng pasasalamat para sa nobyo, ang ibinahagi rin ni Blessy sa kanyang Facebook post.
“Isang taos pusong pasasalamat sayo, RM De Martin, kung wala ka, wala rin akong mararating. Nandito ako, umasa kang, hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap”, ani Blessy.
Maliban nga sayang naramdmaan ng magkasintahan sa pagtatapos ni Blessy bilang Cum Laude sa kolehiyo, ay nadagdagan pa ang kasiyahan ng dalawa, ng lumabas din sa resulta ng Licensure Examination for Teachers noong taong 2019, na isa si Blessy sa matagumpay at pinagpalang makapasa.
Samantala, bago tapusin ang kanyang post, ay isang mensahe para sa lahat ang ibinahagi ni Blessy.“Sa lahat ng mga nakakabasa, lahat ng batang pinapaaral, sanay huwag sayangin ang paghihirap ng iyong mahal sa buhay, laging tandaan na ang lahat ay may mabuting dulot, kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga, at higit sa lahat ay pananalig sa Poong Maylikha.”
0 Mga Komento