Ad Code

Kuya Kim Atienza Proud sa Kanyang Anak Na Ngayon Ay Isang Lisensyadong Piloto

Maliban sa pagbibigay ng maayos at kumportableng buhay sa kanilang mga anak, ay obligasyon din ng isang magulang ang masiguro na mabibigyan nila ng magandang edukasyon ang mga kanilang mga anak. Kaya naman talagang marami sa mga magulang ang nagsusumikap at kumakayod sa buhay dahil isa nga sa mga dahilan nila ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak nila.

Ang TV host-anchor na si Kim Atienza o mas nakilala ng publiko bilang si Kuya Kim ay isa lamang sa mga magulang na ginagawa ang lahat ng kanyang makakayanan upang masigurado na mabibigyan ng magandang buhay at edukasyon ang kanyang mga anak.
Kaya naman ngayon na ang isa sa kanyang mga anak na si Jose III Hung Atienza ay matagumpay natupad ang pangarap nito, ay hindi nga maitago ni Kuya Kim kung gaano siya ka-proud sa anak at sa kanyang sarili dahil ang tagumpay nga ng anak ay dobleng tagumpay para sa isang magulang.

Buong pagmamalaki na ibinahagi ni Kuya Kim kamakailan lamang na ang kanya ngang anak na si Jose III ay isa ng ganap na piloto. Sa ibinahagi ni Kuya Kim na larawan sa kanyang social media account ay makikita nga na siya mismo ang nakasakay sa eroplanong pinapalipad ng kanyang anak.
“First flight with Jose as my pilot. Mama and I shall forever be the wind beneath your wings son!”, pahayag ni Kuya Kim sa caption ng kanyang post. Bakas nga sa ngiti ni Kuya Kim ang labis na galak at kaligayahan dahil sa naabot na tagumpay ng kanyang anak na si Jose III.
Ayon naman sa ulat, si Jose III ay 17-taong gulang pa lamang at nasa Grade 12 pa lamang nga ngunit ito nga ay ganap na lisensyadong piloto na, kaya naman talagang proud na proud sa kanya ang mga magulang niya.

Ibinahagi naman ni Kuya Kim, bata pa lamang ang anak nilang si Jose III ay batid na nila na pangarap nito ang maging isang piloto sa hinaharap, dahil nga kinahiligan nito ang mangolekta ng mga laruang eroplano.
Samantala, kasama nga nina Kuya Kim at anak niyang si Jose III sa kanilang paglipad sa himpapawid sakay ng eroplano ang isang mataas na opisyal na siya ngang katabi ng kanyang anak na nakapuwesto sa front seat ng eroplano, kung saan ito nga ay nagsisilbi ding gabay ng kanyang anak.
Si Jose III Hung Atienza ay nagsanay sa Leading Edge Aviation Academy sa San Fernando City, La Union. Upang makayanan nga niya ang pagpapalipad ng eroplano mag-isa ay talaga namang sipag at tiyaga ang kanyang naging puhunan ,kaya naman ngayon nga ay matagumpay na niyang nakamit ang pangarap niyang maging isang lisensyadong piloto na ikina-proud naman ng kanyang mga magulang.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento