Ad Code

Napahanga ang marami sa isang Tribu Aborigine Matapos gumawa ng kanilang sariling Bisekleta


Isa sa mga nakakabilib sa ating mga Pinoy ay ang pagiging talentado at malikhain natin, kung saan ay marami nga tayong mga bagay na nagagawa na talaga namang hinahangaan, lalo na kung ito ay mga bagay na madalang na nakikita sa ibang mga bansa.


Halimbawa na lamang nga nito ay ang nakakabilib na talentong ipinamalas ng tribu aborigine o mas kilala bilang Igolot-Garonne na kamakailan lamang ay nag-viral sa social media, dahil sa kanilang ipinakita ang pagiging malikhain nila pagdating sa pag-ukit. Makikita kasi ang kanilang mga gawang bisikleta na ang mga ulo ay may mga ukit na disenyong hayop, na tulad na lamang nga ng ulo ng dragon o di kaya naman ay leon. Dahil nga sa kakaibang bisikelta na ito na likha ng tribu, ay nagkaroon nga ng sariling pakarera ng bisekleta ang naturang tribu.
Nag-viral nga sa social media, ang malikhaing pag-uukit na ginawa ng tribu aborigine, matapos na ang isang photographer ay mabigyan ng pagkakataon na makunan ang mga larawan ng mga ito habang sakay nga ng kanilang gawang bisikleta habang ang mga ito nga ay nagkakarera. At dahil nga sa kakaiba at malikhain ang mga bisekletang sinasakyan ng tribu aborigine ay naagaw nga ang atensyon ng nasabing photographer.
“I was walking to my truck in the town when we were treated to the spectacle and it just so happens that I had my camera on hand and snappe d the cowboy inspired scooter zooming downhill. Owning a motorcycle is considered a status symbol for people of humble back ground. Since most of them really earn enough to afford the real thing they would just make imitations of scooters by whatever means they have”, ang naging caption sa naturang larawan ng photographer na si Mr. Richard Haw, isang Hapon.
Ayon pa kay Mr. Richard Haw, sa naging karera ng tribu, ay aabot umani sa higit kumulang na 25mph ang bilis ng mga ito, kung saan ang nakakabilib pa rito ay wala silang gamit na pedal o makina at nagkakarera nga lamang downhill suot ang kanilang tradisyonal na kasuotan na bahag.

“I have not heard of any fatalities or accidents while people have been using the bikes, but looking at their legs you can see deep scars and I can imagine that it might have come from this”, saad pa ng ani Mr. Haw.
Pagbabahagi pa ng misis ni Mr. Haw na si Elaine, tila nga ang naging karera sa naturang lugar ng Tribu Aborigine ay daan ng mga ito upang ipakita ang kanilang likhang scooters na isa sa mga ipinagmamalaki ng kanilang tribu.

“When they race through the town, it is a chance to show off their scooters which is a source of pride for the carver”, saad ni Elaine.

Tunay namang kahanga-hanga ang abilidad at talent ng mga Pinoy, lalo na nga ang ipinamalas na talento at husay ng Tribu Aborigine, sapagkat nagagawa nilang mag-saya gamit lamang ang mga simpleng bagay na kanila mismong likha.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento