Ad Code

Whamos Cruz, hiling na hindi maranasan ng anak ang panglalait sa kanya



Ayon kay Whamos Cruz, sana ay hindi siya maging kamukha ng baby niya na pinagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail, Aniya, ito ay sa kadahilanang ayaw niyang maranasan ng anak ang panglalait na kanyang dinadanas.



Matatandaang kamakailan ay sumang-ayon si Whamos sa naging pahayag ni Xian na sana ay huwag niyang maging kamukha ang baby, Pabiro pa nitong sinabi na masagwa kung sakaling magiging kamukha niya ang anak,



Kalakip ng kanyang Facebook post na ito ay ang picture niyang humahalik sa tiyan ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail. Inulan ng mensahe ng suporta si Whamos. Marami sa mga netizens ang nagsabing walang mali kung sakaling maging kamukha ng anak niya ang kanyang ama.



Marami din ang nagpayo na huwag na lamang dibdibin at pansinin ang mga taong mapanghusga at mapanlait. Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star.

Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento