Ad Code

SUV na nakabangga at tinakbuhan ang guwardiyang nabangga, pinaghahanap pa

Sa kuha ng dashcam ng isang netizen na si Miko Angelo Ramos, makikita ang isang guwardiya sa intersection ng Julia Vargas Avenue at Saint Francis sa mandaluyong

Pasado 4:00PM ng hapon makikitang nag mamando ng trapiko ang isang guwardiya na kinilalang si Christian Joseph Florande
Makikita din sa dashcam ng isang netizen na pinara ng guwardiya ang isang suv sa intersection upang senyasan na huminto muna sandali at ang kabilang linya ng sasakyan naman ang dadaan.

Ngunit imbis na huminto ay tinumbok ng suv ang guwardiya makikita rin sa dashcam na napadapa ang guwardiya at tuluyang napahiga sa kalsada
Makikita rin na hindi manlang bumaba ang driver ng suv walang anu-ano'y ginulungan ng suv ang nakahigang katawan ng guwardiya
Hindi makapaniwala ang netizen sa kanyang napanuod, imbis na huminto ang suv ay tuluyan pa itong humataw ng takbo na tila walang nangyari. Naiwan ang guwardiya na hirap huminga at iniinda ang sakit sa buong katawan

Saad ng saksing si Miko Angelo Ramos "Actually, hindi namin maipaliwanag, Talagang nagulat kami buti nan ga lang talaga may dashcam"
"Mayroong humabol na enforcer na nakamotor pero parang unluckily, hindi aya nila naabutan kasi yung incident after nun parang sobrang harurot ng kotse" -Miko

Sa kasalukuyan ay naka conf1ne ang guwardiyang si florande, sa mandaluyong at iniinda ang pananakit ng kanyang katawan at hirap sa paghinga gawa ng paggulong sa kanya ng suv
Naniniwala naman ang kinakasama ng guwardiya na mahuhuli ang driver ng suv dahil malakas ang kanilang ibedensya, at naplakahan pa ito NCO 3781 white SUV


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento